Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #97 Translated in Filipino

وَإِذْ أَخَذْنَا مِيثَاقَكُمْ وَرَفَعْنَا فَوْقَكُمُ الطُّورَ خُذُوا مَا آتَيْنَاكُمْ بِقُوَّةٍ وَاسْمَعُوا ۖ قَالُوا سَمِعْنَا وَعَصَيْنَا وَأُشْرِبُوا فِي قُلُوبِهِمُ الْعِجْلَ بِكُفْرِهِمْ ۚ قُلْ بِئْسَمَا يَأْمُرُكُمْ بِهِ إِيمَانُكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
At alalahanin nang Aming kinuha ang inyong Kasunduan at Aming itinaas nang higit sa inyo ang bundok (ng Sinai) na (nagsasabi): “Tumangan kayo nang mahigpit sa anumang ipinagkaloob Namin sa inyo at makinig (sa Batas).” Sila ay nagsabi: “Kami ay nakarinig at kami ay sumuway.” At ang kanilang puso ay nalagom (ng pagsamba) sa batang baka dahilan sa kawalan nila ng pananampalataya. Ipagbadya: “Tunay na kabuktutan ang ipinakikita ng inyong pananalig, kung kayo nga ay mayroong (anumang) pananalig!”
قُلْ إِنْ كَانَتْ لَكُمُ الدَّارُ الْآخِرَةُ عِنْدَ اللَّهِ خَالِصَةً مِنْ دُونِ النَّاسِ فَتَمَنَّوُا الْمَوْتَ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Ipagbadya sa kanila: “Kung ang huling tahanan ng Kabilang Buhay kay Allah ay katiyakan na tanging sa inyo lamang at hindi sa mga iba ng sangkatauhan, kung gayon, ay inyong hangarin ang inyong kamatayan kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”
وَلَنْ يَتَمَنَّوْهُ أَبَدًا بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالظَّالِمِينَ
Datapuwa’t sila ay hindi maghahangad ng kamatayan, dahilan (sa mga kasalanan) kung saan sila itinaboy noon ng kanilang mga kamay. At si Allah ang Ganap na Nakakabatid sa Zalimun (mga tampalasan, buhong, buktot, mapaggawa ng kamalian)
وَلَتَجِدَنَّهُمْ أَحْرَصَ النَّاسِ عَلَىٰ حَيَاةٍ وَمِنَ الَّذِينَ أَشْرَكُوا ۚ يَوَدُّ أَحَدُهُمْ لَوْ يُعَمَّرُ أَلْفَ سَنَةٍ وَمَا هُوَ بِمُزَحْزِحِهِ مِنَ الْعَذَابِ أَنْ يُعَمَّرَ ۗ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِمَا يَعْمَلُونَ
At katotohanang inyong matatagpuan sila; sa lahat ng mga tao, na pinakasakim sa buhay, na (higit pang sakim) sa mga hindi naniniwala sa Muling Pagkabuhay (ang mga pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.). Ang bawat isa sa kanila ay naghahangad na sila ay mabigyan ng buhay na isang libong taon. Datapuwa’t ang pagbibigay sa kanila ng gayong buhay ay hindi makakapagligtas sa kanila sa (nararapat) na kaparusahan, sapagkat si Allah ang Lubos na Nakakamasid ng lahat nilang ginagawa
قُلْ مَنْ كَانَ عَدُوًّا لِجِبْرِيلَ فَإِنَّهُ نَزَّلَهُ عَلَىٰ قَلْبِكَ بِإِذْنِ اللَّهِ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ وَهُدًى وَبُشْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ
Ipahayag (o Muhammad): “Sinuman ang maging kaaway ni Gabriel (hayaan siyang mamatay sa kanyang pagkapoot), sapagkat katotohanang ipinarating niya (ang kapahayagan, ang Qur’an)) sainyongpusosakapahintulutan ni Allah; isang pagpapatunay sa mga dumatal (na patnubay) noon pang una (ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) at magandang balita sa mga sumasampalataya

Choose other languages: