Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #52 Translated in Filipino

وَاتَّقُوا يَوْمًا لَا تَجْزِي نَفْسٌ عَنْ نَفْسٍ شَيْئًا وَلَا يُقْبَلُ مِنْهَا شَفَاعَةٌ وَلَا يُؤْخَذُ مِنْهَا عَدْلٌ وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ
At inyong pangambahan ang Araw (ng Paghuhukom) na ang bawat isa ay hindi makakaasa ng tulong ng iba; na ang pamamagitan (ng iba) ay hindi tatanggapin sa kanya at wala ring kabayaran ang tatanggapin mula sa kanya at sila rin ay hindi matutulungan
وَإِذْ نَجَّيْنَاكُمْ مِنْ آلِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوءَ الْعَذَابِ يُذَبِّحُونَ أَبْنَاءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَاءَكُمْ ۚ وَفِي ذَٰلِكُمْ بَلَاءٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَظِيمٌ
At alalahanin nang kayo ay Aming iniligtas sa mga tao ni Paraon na naglalapat sa inyo ng kasakit-sakit na kaparusahan; na pumapatay sa inyong mga anak na lalaki at hinahayaang buhay ang inyong kababaihan, at naririto ang matinding pagsubok mula sa inyong Panginoon
وَإِذْ فَرَقْنَا بِكُمُ الْبَحْرَ فَأَنْجَيْنَاكُمْ وَأَغْرَقْنَا آلَ فِرْعَوْنَ وَأَنْتُمْ تَنْظُرُونَ
At alalahanin nang Aming hinati ang dagat para sa inyo at iniligtas kayo, at (Aming) nilunod ang mga tao ni Paraon sa harap ng inyong paningin
وَإِذْ وَاعَدْنَا مُوسَىٰ أَرْبَعِينَ لَيْلَةً ثُمَّ اتَّخَذْتُمُ الْعِجْلَ مِنْ بَعْدِهِ وَأَنْتُمْ ظَالِمُونَ
At alalahanin nang Aming itinalaga kay Moises ang apatnapung gabi, at sa kanyang pansamantalang pagkawala ay inyong ginawa ang batang baka (para sambahin); at kayo ay gumawa ng kasuklam- suklam na kamalian
ثُمَّ عَفَوْنَا عَنْكُمْ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
Gayunpaman, kayo ay Aming pinatawad. Kayo ay mayroong pagkakataon upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat

Choose other languages: