Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #54 Translated in Filipino

وَإِذْ فَرَقْنَا بِكُمُ الْبَحْرَ فَأَنْجَيْنَاكُمْ وَأَغْرَقْنَا آلَ فِرْعَوْنَ وَأَنْتُمْ تَنْظُرُونَ
At alalahanin nang Aming hinati ang dagat para sa inyo at iniligtas kayo, at (Aming) nilunod ang mga tao ni Paraon sa harap ng inyong paningin
وَإِذْ وَاعَدْنَا مُوسَىٰ أَرْبَعِينَ لَيْلَةً ثُمَّ اتَّخَذْتُمُ الْعِجْلَ مِنْ بَعْدِهِ وَأَنْتُمْ ظَالِمُونَ
At alalahanin nang Aming itinalaga kay Moises ang apatnapung gabi, at sa kanyang pansamantalang pagkawala ay inyong ginawa ang batang baka (para sambahin); at kayo ay gumawa ng kasuklam- suklam na kamalian
ثُمَّ عَفَوْنَا عَنْكُمْ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
Gayunpaman, kayo ay Aming pinatawad. Kayo ay mayroong pagkakataon upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat
وَإِذْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَالْفُرْقَانَ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ
At alalahanin nangibinigay Naminkay Moisesang Kasulatan(Torah, [mga Batas]) at ang Pamantayan (ng tama at mali) upang kayo ay mapatnubayan sa katuwiran
وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ يَا قَوْمِ إِنَّكُمْ ظَلَمْتُمْ أَنْفُسَكُمْ بِاتِّخَاذِكُمُ الْعِجْلَ فَتُوبُوا إِلَىٰ بَارِئِكُمْ فَاقْتُلُوا أَنْفُسَكُمْ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ عِنْدَ بَارِئِكُمْ فَتَابَ عَلَيْكُمْ ۚ إِنَّهُ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ
At alalahanin si Moises nang kanyang sabihin sa kanyang pamayanan: “o aking pamayanan! Katotohanang isinadlak ninyo ang inyong sarili sa kamalian nang inyong sambahin ang batang baka; kaya’t magbalik loob kayo (sa pagsisisi) sa inyong Tagapaglikha at inyong utasin ang inyong sarili (ang walang kasalanan ay pumatay sa mga buktot sa karamihan ninyo); ito ay higit na mainam sa inyo sa paningin ng inyong Tagapaglikha. (At hindi nagtagal) ay Kanyang tinanggap ang inyong pagtitika. Katotohanang Siya ang Tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaawain

Choose other languages: