Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #286 Translated in Filipino

لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَإِنْ تُبْدُوا مَا فِي أَنْفُسِكُمْ أَوْ تُخْفُوهُ يُحَاسِبْكُمْ بِهِ اللَّهُ ۖ فَيَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan. Kahima’t inyong ilantad ang nasa inyong isipan o ikubli ito, si Allah ay tatawag sa inyo upang magsulit. Siya ang nagpapatawad sa sinumang Kanyang maibigan at nagpaparusa sa sinumang Kanyang maibigan. Sapagkat si Allah ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay
آمَنَ الرَّسُولُ بِمَا أُنْزِلَ إِلَيْهِ مِنْ رَبِّهِ وَالْمُؤْمِنُونَ ۚ كُلٌّ آمَنَ بِاللَّهِ وَمَلَائِكَتِهِ وَكُتُبِهِ وَرُسُلِهِ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِنْ رُسُلِهِ ۚ وَقَالُوا سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا ۖ غُفْرَانَكَ رَبَّنَا وَإِلَيْكَ الْمَصِيرُ
Ang Tagapagbalita (Muhammad) ay nananampalataya sa anumang ipinahayag sa kanya mula sa kanyang Panginoon, gayundin naman ang mga sumasampalataya. Ang bawat isa ay sumasampalataya kay Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Kasulatan, at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Sila ay nagsasabi, “Kami ay hindi nagtuturing sa sinuman sa Kanyang mga Tagapagbalita ng pagtatangi-tangi”, at sila ay nagsasabi, “Kami ay nakikinig at kami ay tumatalima, (sinusumpungan namin) ang Inyong Pagpapatawad, aming Panginoon, at sa Inyo ang pagbabalik (ng lahat)
لَا يُكَلِّفُ اللَّهُ نَفْسًا إِلَّا وُسْعَهَا ۚ لَهَا مَا كَسَبَتْ وَعَلَيْهَا مَا اكْتَسَبَتْ ۗ رَبَّنَا لَا تُؤَاخِذْنَا إِنْ نَسِينَا أَوْ أَخْطَأْنَا ۚ رَبَّنَا وَلَا تَحْمِلْ عَلَيْنَا إِصْرًا كَمَا حَمَلْتَهُ عَلَى الَّذِينَ مِنْ قَبْلِنَا ۚ رَبَّنَا وَلَا تُحَمِّلْنَا مَا لَا طَاقَةَ لَنَا بِهِ ۖ وَاعْفُ عَنَّا وَاغْفِرْ لَنَا وَارْحَمْنَا ۚ أَنْتَ مَوْلَانَا فَانْصُرْنَا عَلَى الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ
walang sinumang kaluluwa ang binigyan ni Allah ng pasanin na hindi niya kayang dalhin. Ito ay magtatamasa ng bawat kabutihan na kanyang kinita at magdurusa rin naman sa bawat masama na kanyang kinita. (Magsipanalangin): “Aming Panginoon! Kami ay huwag Ninyong parusahan kung kami ay makalimot o masadlak sa kamalian, aming Panginoon! Huwag Ninyong ipapasan sa amin ang pabigat na Inyong iniatang sa mga nangauna sa amin (mga Hudyo at Kristiyano); aming Panginoon! Huwag Ninyong iatang sa amin ang pabigat na higit sa aming makakaya. Inyong patawarin kami at pagkalooban kami ng pagpapatawad. Kami ay Inyong kahabagan. Kayo po ang aming Maula (Tagapangalaga, Tagapagbantay, Tagapagtaguyod); kami ay gawaran Ninyo ng tagumpay laban sa mga tao na walang pananampalataya

Choose other languages: