Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #247 Translated in Filipino

أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ خَرَجُوا مِنْ دِيَارِهِمْ وَهُمْ أُلُوفٌ حَذَرَ الْمَوْتِ فَقَالَ لَهُمُ اللَّهُ مُوتُوا ثُمَّ أَحْيَاهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَشْكُرُونَ
Hindi mo ba inilingon (O Muhammad) ang iyong paningin sa mga lumisan sa kanilang tahanan bagama’t sila ay libo sa bilang, dahil sa kanilang pagkatakot sa kamatayan? Si Allah ay nagwika sa kanila: “Mamatay.” At pagkatapos ay ibinalik Niya ang kanilang buhay. Sapagkat si Allah ay Tigib ng Biyaya sa sangkatauhan datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang damdamin ng pasasalamat
وَقَاتِلُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
At kayo ay makipaglaban sa Kapakanan ni Allah at inyong maalaman na si Allah ang Ganap na Nakakarinig at Lubos na Nakakabatid ng lahat ng bagay
مَنْ ذَا الَّذِي يُقْرِضُ اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا فَيُضَاعِفَهُ لَهُ أَضْعَافًا كَثِيرَةً ۚ وَاللَّهُ يَقْبِضُ وَيَبْسُطُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
Sino baga siya na magpapautang kay Allah ng isang magandang pautang upang Siya ay magparami nito nang masagana? Si Allah ang nagpapaunti at nagpaparami (ng inyong ikabubuhay), at sa Kanya kayo ay magbabalik
أَلَمْ تَرَ إِلَى الْمَلَإِ مِنْ بَنِي إِسْرَائِيلَ مِنْ بَعْدِ مُوسَىٰ إِذْ قَالُوا لِنَبِيٍّ لَهُمُ ابْعَثْ لَنَا مَلِكًا نُقَاتِلْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۖ قَالَ هَلْ عَسَيْتُمْ إِنْ كُتِبَ عَلَيْكُمُ الْقِتَالُ أَلَّا تُقَاتِلُوا ۖ قَالُوا وَمَا لَنَا أَلَّا نُقَاتِلَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَقَدْ أُخْرِجْنَا مِنْ دِيَارِنَا وَأَبْنَائِنَا ۖ فَلَمَّا كُتِبَ عَلَيْهِمُ الْقِتَالُ تَوَلَّوْا إِلَّا قَلِيلًا مِنْهُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالظَّالِمِينَ
Hindi baga ninyo nagugunita ang tungkol sa pangkat ng Angkan ng Israel pagkaraan (ng panahon) ni Moises? Nang kanilang sabihin sa propeta na mula sa kanilang lipon: “Magtalaga ka sa amin ng isang hari at kami ay makikipaglaban sa Kapakanan ni Allah.” Siya (ang propeta) ay nagsabi: “Kayo ba ay iiwas sa pakikipaglaban kung ang pakikipaglaban ay itinagubilin sa inyo?” Sila ay nagsabi: “Bakit hindi tayo makikipaglaban sa Kapakanan ni Allah samantalang tayo ay itinaboy nila sa ating mga tahanan at mga kaanak?” Datapuwa’t nang sila ay pinag-utusan na makipaglaban, sila ay umurong maliban (lamang) sa ilan sa kanila. At si Allah ang may Ganap na Kaalaman sa Zalimun (mga gumagawa ng kamalian, mapagsamba sa diyus- diyosan, atbp)
وَقَالَ لَهُمْ نَبِيُّهُمْ إِنَّ اللَّهَ قَدْ بَعَثَ لَكُمْ طَالُوتَ مَلِكًا ۚ قَالُوا أَنَّىٰ يَكُونُ لَهُ الْمُلْكُ عَلَيْنَا وَنَحْنُ أَحَقُّ بِالْمُلْكِ مِنْهُ وَلَمْ يُؤْتَ سَعَةً مِنَ الْمَالِ ۚ قَالَ إِنَّ اللَّهَ اصْطَفَاهُ عَلَيْكُمْ وَزَادَهُ بَسْطَةً فِي الْعِلْمِ وَالْجِسْمِ ۖ وَاللَّهُ يُؤْتِي مُلْكَهُ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ
At ang kanilang Propeta (si Samuel) ay nagsabi sa kanila: “Katiyakang si Allah ay nagtalaga kay Talut (Saul) bilang hari sa inyo.” Sila ay nagsabi: “Papaano siya magiging hari sa amin kung kami ay higit na marapat na magpatupad ng kapamahalaan kaysa sa kanya at siya ay hindi biniyayaan ng maraming kayamanan?” Siya ay nagsabi: “Si Allah ang humirang sa kanya ng higit sa inyo at (Kanyang) biniyayaan siya ng higit na karunungan at katikasan. Si Allah ang nagkakaloob ng kapamahalaan sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ang may Ganap na Kasapatan sa pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Puspos ng Karunungan.”

Choose other languages: