Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #249 Translated in Filipino

مَنْ ذَا الَّذِي يُقْرِضُ اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا فَيُضَاعِفَهُ لَهُ أَضْعَافًا كَثِيرَةً ۚ وَاللَّهُ يَقْبِضُ وَيَبْسُطُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
Sino baga siya na magpapautang kay Allah ng isang magandang pautang upang Siya ay magparami nito nang masagana? Si Allah ang nagpapaunti at nagpaparami (ng inyong ikabubuhay), at sa Kanya kayo ay magbabalik
أَلَمْ تَرَ إِلَى الْمَلَإِ مِنْ بَنِي إِسْرَائِيلَ مِنْ بَعْدِ مُوسَىٰ إِذْ قَالُوا لِنَبِيٍّ لَهُمُ ابْعَثْ لَنَا مَلِكًا نُقَاتِلْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۖ قَالَ هَلْ عَسَيْتُمْ إِنْ كُتِبَ عَلَيْكُمُ الْقِتَالُ أَلَّا تُقَاتِلُوا ۖ قَالُوا وَمَا لَنَا أَلَّا نُقَاتِلَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَقَدْ أُخْرِجْنَا مِنْ دِيَارِنَا وَأَبْنَائِنَا ۖ فَلَمَّا كُتِبَ عَلَيْهِمُ الْقِتَالُ تَوَلَّوْا إِلَّا قَلِيلًا مِنْهُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالظَّالِمِينَ
Hindi baga ninyo nagugunita ang tungkol sa pangkat ng Angkan ng Israel pagkaraan (ng panahon) ni Moises? Nang kanilang sabihin sa propeta na mula sa kanilang lipon: “Magtalaga ka sa amin ng isang hari at kami ay makikipaglaban sa Kapakanan ni Allah.” Siya (ang propeta) ay nagsabi: “Kayo ba ay iiwas sa pakikipaglaban kung ang pakikipaglaban ay itinagubilin sa inyo?” Sila ay nagsabi: “Bakit hindi tayo makikipaglaban sa Kapakanan ni Allah samantalang tayo ay itinaboy nila sa ating mga tahanan at mga kaanak?” Datapuwa’t nang sila ay pinag-utusan na makipaglaban, sila ay umurong maliban (lamang) sa ilan sa kanila. At si Allah ang may Ganap na Kaalaman sa Zalimun (mga gumagawa ng kamalian, mapagsamba sa diyus- diyosan, atbp)
وَقَالَ لَهُمْ نَبِيُّهُمْ إِنَّ اللَّهَ قَدْ بَعَثَ لَكُمْ طَالُوتَ مَلِكًا ۚ قَالُوا أَنَّىٰ يَكُونُ لَهُ الْمُلْكُ عَلَيْنَا وَنَحْنُ أَحَقُّ بِالْمُلْكِ مِنْهُ وَلَمْ يُؤْتَ سَعَةً مِنَ الْمَالِ ۚ قَالَ إِنَّ اللَّهَ اصْطَفَاهُ عَلَيْكُمْ وَزَادَهُ بَسْطَةً فِي الْعِلْمِ وَالْجِسْمِ ۖ وَاللَّهُ يُؤْتِي مُلْكَهُ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ
At ang kanilang Propeta (si Samuel) ay nagsabi sa kanila: “Katiyakang si Allah ay nagtalaga kay Talut (Saul) bilang hari sa inyo.” Sila ay nagsabi: “Papaano siya magiging hari sa amin kung kami ay higit na marapat na magpatupad ng kapamahalaan kaysa sa kanya at siya ay hindi biniyayaan ng maraming kayamanan?” Siya ay nagsabi: “Si Allah ang humirang sa kanya ng higit sa inyo at (Kanyang) biniyayaan siya ng higit na karunungan at katikasan. Si Allah ang nagkakaloob ng kapamahalaan sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ang may Ganap na Kasapatan sa pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Puspos ng Karunungan.”
وَقَالَ لَهُمْ نَبِيُّهُمْ إِنَّ آيَةَ مُلْكِهِ أَنْ يَأْتِيَكُمُ التَّابُوتُ فِيهِ سَكِينَةٌ مِنْ رَبِّكُمْ وَبَقِيَّةٌ مِمَّا تَرَكَ آلُ مُوسَىٰ وَآلُ هَارُونَ تَحْمِلُهُ الْمَلَائِكَةُ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
At ang kanilang Propeta (si Samuel) ay nagsabi sa kanila: “Katotohanan, ang tanda ng Kanyang kaharian ay mayroong darating sa inyo na At-Tabut (kahoy na kahon), na naroroon ang Sakinah (kapayapaan, kapanatagan at kaligtasan) mula sa inyong Panginoon, at ang mga latak ng mga naiwan ni Moises at Aaron na dinala ng mga anghel. Katotohanang ito ay Tanda sa inyo kung kayo ay tunay na nananampalataya”
فَلَمَّا فَصَلَ طَالُوتُ بِالْجُنُودِ قَالَ إِنَّ اللَّهَ مُبْتَلِيكُمْ بِنَهَرٍ فَمَنْ شَرِبَ مِنْهُ فَلَيْسَ مِنِّي وَمَنْ لَمْ يَطْعَمْهُ فَإِنَّهُ مِنِّي إِلَّا مَنِ اغْتَرَفَ غُرْفَةً بِيَدِهِ ۚ فَشَرِبُوا مِنْهُ إِلَّا قَلِيلًا مِنْهُمْ ۚ فَلَمَّا جَاوَزَهُ هُوَ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ قَالُوا لَا طَاقَةَ لَنَا الْيَوْمَ بِجَالُوتَ وَجُنُودِهِ ۚ قَالَ الَّذِينَ يَظُنُّونَ أَنَّهُمْ مُلَاقُو اللَّهِ كَمْ مِنْ فِئَةٍ قَلِيلَةٍ غَلَبَتْ فِئَةً كَثِيرَةً بِإِذْنِ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ مَعَ الصَّابِرِينَ
At nang si Talut (Saul) ay tumulak na kasama ang sandatahan, siya ay nagsabi: “Katotohanang si Allah ay susubok sa inyo sa (pamamagitan ng) ilog; kung sinuman ang uminom ng kanyang tubig, siya ay hindi sasama sa sandatahan; sila lamang na tumikim nito ang sasama sa akin maliban sa kanya (na uminom nito) sa kulong ng kanyang palad.” Datapuwa’t sila ay uminom dito, lahat sila, maliban sa ilan. At nang kanilang matawid ang ilog, siya at ang mga matimtiman na kasama niya ay nagsabi: “Sa araw na ito ay wala tayong lakas laban kay Goliath at sa kanyang mga kabig.” Datapuwa’t sila na nakakabatid ng may katiyakan na kanilang makakatipan ang kanilang Panginoon ay nagsabi: “Gaano kadalas na ang isang maliit na pangkat ay nagwawagi sa malaking pangkat sa kapahintulutan ni Allah? Si Allah ay nasa panig ng mga matimtiman sa pagtitiyaga.”

Choose other languages: