Surah Al-Baqara Ayahs #251 Translated in Filipino
وَقَالَ لَهُمْ نَبِيُّهُمْ إِنَّ اللَّهَ قَدْ بَعَثَ لَكُمْ طَالُوتَ مَلِكًا ۚ قَالُوا أَنَّىٰ يَكُونُ لَهُ الْمُلْكُ عَلَيْنَا وَنَحْنُ أَحَقُّ بِالْمُلْكِ مِنْهُ وَلَمْ يُؤْتَ سَعَةً مِنَ الْمَالِ ۚ قَالَ إِنَّ اللَّهَ اصْطَفَاهُ عَلَيْكُمْ وَزَادَهُ بَسْطَةً فِي الْعِلْمِ وَالْجِسْمِ ۖ وَاللَّهُ يُؤْتِي مُلْكَهُ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ
At ang kanilang Propeta (si Samuel) ay nagsabi sa kanila: “Katiyakang si Allah ay nagtalaga kay Talut (Saul) bilang hari sa inyo.” Sila ay nagsabi: “Papaano siya magiging hari sa amin kung kami ay higit na marapat na magpatupad ng kapamahalaan kaysa sa kanya at siya ay hindi biniyayaan ng maraming kayamanan?” Siya ay nagsabi: “Si Allah ang humirang sa kanya ng higit sa inyo at (Kanyang) biniyayaan siya ng higit na karunungan at katikasan. Si Allah ang nagkakaloob ng kapamahalaan sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ang may Ganap na Kasapatan sa pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Puspos ng Karunungan.”
وَقَالَ لَهُمْ نَبِيُّهُمْ إِنَّ آيَةَ مُلْكِهِ أَنْ يَأْتِيَكُمُ التَّابُوتُ فِيهِ سَكِينَةٌ مِنْ رَبِّكُمْ وَبَقِيَّةٌ مِمَّا تَرَكَ آلُ مُوسَىٰ وَآلُ هَارُونَ تَحْمِلُهُ الْمَلَائِكَةُ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
At ang kanilang Propeta (si Samuel) ay nagsabi sa kanila: “Katotohanan, ang tanda ng Kanyang kaharian ay mayroong darating sa inyo na At-Tabut (kahoy na kahon), na naroroon ang Sakinah (kapayapaan, kapanatagan at kaligtasan) mula sa inyong Panginoon, at ang mga latak ng mga naiwan ni Moises at Aaron na dinala ng mga anghel. Katotohanang ito ay Tanda sa inyo kung kayo ay tunay na nananampalataya”
فَلَمَّا فَصَلَ طَالُوتُ بِالْجُنُودِ قَالَ إِنَّ اللَّهَ مُبْتَلِيكُمْ بِنَهَرٍ فَمَنْ شَرِبَ مِنْهُ فَلَيْسَ مِنِّي وَمَنْ لَمْ يَطْعَمْهُ فَإِنَّهُ مِنِّي إِلَّا مَنِ اغْتَرَفَ غُرْفَةً بِيَدِهِ ۚ فَشَرِبُوا مِنْهُ إِلَّا قَلِيلًا مِنْهُمْ ۚ فَلَمَّا جَاوَزَهُ هُوَ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ قَالُوا لَا طَاقَةَ لَنَا الْيَوْمَ بِجَالُوتَ وَجُنُودِهِ ۚ قَالَ الَّذِينَ يَظُنُّونَ أَنَّهُمْ مُلَاقُو اللَّهِ كَمْ مِنْ فِئَةٍ قَلِيلَةٍ غَلَبَتْ فِئَةً كَثِيرَةً بِإِذْنِ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ مَعَ الصَّابِرِينَ
At nang si Talut (Saul) ay tumulak na kasama ang sandatahan, siya ay nagsabi: “Katotohanang si Allah ay susubok sa inyo sa (pamamagitan ng) ilog; kung sinuman ang uminom ng kanyang tubig, siya ay hindi sasama sa sandatahan; sila lamang na tumikim nito ang sasama sa akin maliban sa kanya (na uminom nito) sa kulong ng kanyang palad.” Datapuwa’t sila ay uminom dito, lahat sila, maliban sa ilan. At nang kanilang matawid ang ilog, siya at ang mga matimtiman na kasama niya ay nagsabi: “Sa araw na ito ay wala tayong lakas laban kay Goliath at sa kanyang mga kabig.” Datapuwa’t sila na nakakabatid ng may katiyakan na kanilang makakatipan ang kanilang Panginoon ay nagsabi: “Gaano kadalas na ang isang maliit na pangkat ay nagwawagi sa malaking pangkat sa kapahintulutan ni Allah? Si Allah ay nasa panig ng mga matimtiman sa pagtitiyaga.”
وَلَمَّا بَرَزُوا لِجَالُوتَ وَجُنُودِهِ قَالُوا رَبَّنَا أَفْرِغْ عَلَيْنَا صَبْرًا وَثَبِّتْ أَقْدَامَنَا وَانْصُرْنَا عَلَى الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ
At nang sila ay pumalaot upang sagupain si Goliath at ang kanyang mga kabig, sila ay nanalangin: “Aming Panginoon! Ibuhos Ninyo sa amin ang pagtitiyaga at gawin Ninyong matatag ang aming mga hakbang. Kami ay gawin Ninyong matagumpay laban sa mga walang pananampalataya.”
فَهَزَمُوهُمْ بِإِذْنِ اللَّهِ وَقَتَلَ دَاوُودُ جَالُوتَ وَآتَاهُ اللَّهُ الْمُلْكَ وَالْحِكْمَةَ وَعَلَّمَهُ مِمَّا يَشَاءُ ۗ وَلَوْلَا دَفْعُ اللَّهِ النَّاسَ بَعْضَهُمْ بِبَعْضٍ لَفَسَدَتِ الْأَرْضُ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ ذُو فَضْلٍ عَلَى الْعَالَمِينَ
Sa kapahintulutan ni Allah ay kanilang nailigaw sila at napatay ni david si Goliath, at si Allah ay naggawad sa kanya (david) ng kaharian (pagkaraan ng kamatayan ni Saul at Samuel) at karunungan, at nagturo sa kanya ng Kanyang ninanais. At kung hindi sinubukan ni Allah ang isang lipon ng mga tao sa pamamagitan ng iba, ang kalupaan ay katiyakang mapupuspos ng kabuktutan. Datapuwa’t si Allah ay Puspos ng Biyaya sa lahat ng Kanyang mga nilalang
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
