Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #233 Translated in Filipino

الطَّلَاقُ مَرَّتَانِ ۖ فَإِمْسَاكٌ بِمَعْرُوفٍ أَوْ تَسْرِيحٌ بِإِحْسَانٍ ۗ وَلَا يَحِلُّ لَكُمْ أَنْ تَأْخُذُوا مِمَّا آتَيْتُمُوهُنَّ شَيْئًا إِلَّا أَنْ يَخَافَا أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ اللَّهِ ۖ فَإِنْ خِفْتُمْ أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ اللَّهِ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِمَا فِيمَا افْتَدَتْ بِهِ ۗ تِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ فَلَا تَعْتَدُوهَا ۚ وَمَنْ يَتَعَدَّ حُدُودَ اللَّهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ
Ang paghihiwalay (diborsyo) ay pinahihintulutan lamang nang dalawang ulit; pagkaraan nito, ang dalawang panig ay dapat na magsamang (muli) sa makatuwirang kasunduan o maghiwalay sila nang matiwasay. Hindi maka- diyos (o marapat) sa inyo (o kalalakihan) na bawiin ang anumang Mahr (handog o dote na ibinigay ng lalaki sa kanyang mapapangasawa sa panahon ng pag-aasawa o kasal) na inyong ibinigay sa kanila, maliban na lamang kung ang dalawang panig ay nangangamba na hindi nila masusunod ang takdang utos ni Allah (alalaong baga, hindi magiging makatuwiran sa isa’t isa). Kaya’t kung kayo ay nangangamba na hindi ninyo mapapanatili ang mga takdang utos ni Allah, hindi isang kasalanan sa bawat isa sa kanila kung kanyang ibalik (ang Mahr o dote o bahagi nito) para sa paghihiwalay (diborsyo) na Al-Khul (ang paghiwalay ng babae sa kanyang asawa sa pamamagitan ng isang tanging kabayaran). Ito ang mga katakdaan na itinalaga ni Allah, kaya’t huwag kayong sumuway dito. At sinumang sumuway sa katakdaang itinalaga ni Allah, kung gayon, sila ay Zalimun (mga tampalasan, mapaggawa ng kamalian, atbp)
فَإِنْ طَلَّقَهَا فَلَا تَحِلُّ لَهُ مِنْ بَعْدُ حَتَّىٰ تَنْكِحَ زَوْجًا غَيْرَهُ ۗ فَإِنْ طَلَّقَهَا فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِمَا أَنْ يَتَرَاجَعَا إِنْ ظَنَّا أَنْ يُقِيمَا حُدُودَ اللَّهِ ۗ وَتِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ يُبَيِّنُهَا لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ
At kung siya (ang babae) ay kanyang hiniwalayan (diniborsyo) sa pangatlong pagkakataon, pagkaraan nito, siya (ang babae) ay hindi niya (uli) maaaring mapangasawa, maliban na lamang na siya ay mag-asawa sa ibang lalaki (at ang lalaking ito) ay hiniwalayan (diniborsyo) siya. Sa ganito, hindi isang kasalanan sa kanila kung sila ay muling magsama, kung inaakala nila na kanilang mapapanatili ang katakdaan na ipinag-uutos ni Allah. Ito ang mga katakdaan ni Allah na Kanyang ginawa na malinaw sa mga may kaalaman
وَإِذَا طَلَّقْتُمُ النِّسَاءَ فَبَلَغْنَ أَجَلَهُنَّ فَأَمْسِكُوهُنَّ بِمَعْرُوفٍ أَوْ سَرِّحُوهُنَّ بِمَعْرُوفٍ ۚ وَلَا تُمْسِكُوهُنَّ ضِرَارًا لِتَعْتَدُوا ۚ وَمَنْ يَفْعَلْ ذَٰلِكَ فَقَدْ ظَلَمَ نَفْسَهُ ۚ وَلَا تَتَّخِذُوا آيَاتِ اللَّهِ هُزُوًا ۚ وَاذْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَمَا أَنْزَلَ عَلَيْكُمْ مِنَ الْكِتَابِ وَالْحِكْمَةِ يَعِظُكُمْ بِهِ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
At kung inyo nang nahiwalayan (nadiborsyo) ang kababaihan at (malapit) na nilang matupad ang kondisyon ng Iddat (natatakdaang araw ng paghihintay), sila ay maaari ninyong balikan (o kunin) sa makatuwirang paraan o hayaan silang maging malaya sa makatuwirang paraan. Datapuwa’t sila ay huwag ninyong kuning muli upang sila ay pasakitan, at sinumang gumawa nito ay nagbigay kamalian sa kanyang sarili. At huwag ninyong ituring ang mga Talata (Batas) ni Allah bilang isang katuwaan, datapuwa’t alalahanin ninyo ang mga Pabuya ni Allah (alalaong baga, ang Islam) sa inyo, at ang Katotohanan na Kanyang ipinadala sa inyo sa Aklat (ang Qur’an) at Al-Hikmah (ang Karunungan, mga turo ni Propeta Muhammad at mga Batas, atbp.) tungo sa inyong patnubay. At inyong pangambahan si Allah at inyong maalaman na si Allah ang Ganap na Nakakatalos ng lahat ng bagay
وَإِذَا طَلَّقْتُمُ النِّسَاءَ فَبَلَغْنَ أَجَلَهُنَّ فَلَا تَعْضُلُوهُنَّ أَنْ يَنْكِحْنَ أَزْوَاجَهُنَّ إِذَا تَرَاضَوْا بَيْنَهُمْ بِالْمَعْرُوفِ ۗ ذَٰلِكَ يُوعَظُ بِهِ مَنْ كَانَ مِنْكُمْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۗ ذَٰلِكُمْ أَزْكَىٰ لَكُمْ وَأَطْهَرُ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ
At kung inyo nang nahiwalayan (nadiborsyo) ang kababaihan at kanila nang natupad ang mga kailangan ng natatakdaang araw, sila ay huwag ninyong hadlangan na mapangasawang muli ang kanilang (una o dating) asawa, kung sila ay kapwa nagkasundo sa makatuwirang paraan. Ang ganitong (pag-uutos) ay isang pagpapaala-ala sa kanya sa lipon ninyo na sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw. Ito ay higit na kabanalan at kadalisayan sa inyo. Si Allah ang nakakabatid at kayo ay walang kaalaman
وَالْوَالِدَاتُ يُرْضِعْنَ أَوْلَادَهُنَّ حَوْلَيْنِ كَامِلَيْنِ ۖ لِمَنْ أَرَادَ أَنْ يُتِمَّ الرَّضَاعَةَ ۚ وَعَلَى الْمَوْلُودِ لَهُ رِزْقُهُنَّ وَكِسْوَتُهُنَّ بِالْمَعْرُوفِ ۚ لَا تُكَلَّفُ نَفْسٌ إِلَّا وُسْعَهَا ۚ لَا تُضَارَّ وَالِدَةٌ بِوَلَدِهَا وَلَا مَوْلُودٌ لَهُ بِوَلَدِهِ ۚ وَعَلَى الْوَارِثِ مِثْلُ ذَٰلِكَ ۗ فَإِنْ أَرَادَا فِصَالًا عَنْ تَرَاضٍ مِنْهُمَا وَتَشَاوُرٍ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِمَا ۗ وَإِنْ أَرَدْتُمْ أَنْ تَسْتَرْضِعُوا أَوْلَادَكُمْ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ إِذَا سَلَّمْتُمْ مَا آتَيْتُمْ بِالْمَعْرُوفِ ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
Ang mga ina ay magpapasuso sa kanilang mga anak sa loob ng dalawang taon, (ito ay) para (sa mga magulang) na nagnanais na ganapin ang natatakdaang panahon ng pagpapasuso, datapuwa’t ang ama ng bata ang siyang mananagot sa halaga ng pagkain at kasuutan ng ina sa katamtamang paraan. walang sinumang tao ang papatawan ng dalahin ng higit sa kanyang kakayahan. walang sinumang ina ang pakikitunguhan nang hindi makatuwiran dahilan lamang sa kanyang anak, gayundin ang ama, dahilan lamang sa kanyang anak. At sa tagapagmana (ng ama) ay kapanagutan sa kanya (ang anak) ang katulad (ng kung ano ang kapanagutan ng ama). Kung sila ay kapwa nagpasya sa pag-awat (sa pagpapasuso) sa kanya, sa magkapanabay na pahintulot, ito ay hindi kasalanan sa kanilang dalawa. At kung kayo ay nagpasya na mayroong isa na mag-alaga at magpasuso (bilang) ina sa inyong mga anak, ito ay hindi kasalanan sa inyo, ngunit kailangan ninyong bayaran (ang nagpasusong ina) kung ano ang inyong pinagkasunduan (na ibigay sa kanya) sa makatuwirang paraan. At inyong pangambahan si Allah at inyong maalaman na si Allah ang Ganap na Nakakamasid ng inyong ginagawa

Choose other languages: