Surah Al-Baqara Ayah #229 Translated in Filipino
الطَّلَاقُ مَرَّتَانِ ۖ فَإِمْسَاكٌ بِمَعْرُوفٍ أَوْ تَسْرِيحٌ بِإِحْسَانٍ ۗ وَلَا يَحِلُّ لَكُمْ أَنْ تَأْخُذُوا مِمَّا آتَيْتُمُوهُنَّ شَيْئًا إِلَّا أَنْ يَخَافَا أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ اللَّهِ ۖ فَإِنْ خِفْتُمْ أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ اللَّهِ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِمَا فِيمَا افْتَدَتْ بِهِ ۗ تِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ فَلَا تَعْتَدُوهَا ۚ وَمَنْ يَتَعَدَّ حُدُودَ اللَّهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ

Ang paghihiwalay (diborsyo) ay pinahihintulutan lamang nang dalawang ulit; pagkaraan nito, ang dalawang panig ay dapat na magsamang (muli) sa makatuwirang kasunduan o maghiwalay sila nang matiwasay. Hindi maka- diyos (o marapat) sa inyo (o kalalakihan) na bawiin ang anumang Mahr (handog o dote na ibinigay ng lalaki sa kanyang mapapangasawa sa panahon ng pag-aasawa o kasal) na inyong ibinigay sa kanila, maliban na lamang kung ang dalawang panig ay nangangamba na hindi nila masusunod ang takdang utos ni Allah (alalaong baga, hindi magiging makatuwiran sa isa’t isa). Kaya’t kung kayo ay nangangamba na hindi ninyo mapapanatili ang mga takdang utos ni Allah, hindi isang kasalanan sa bawat isa sa kanila kung kanyang ibalik (ang Mahr o dote o bahagi nito) para sa paghihiwalay (diborsyo) na Al-Khul (ang paghiwalay ng babae sa kanyang asawa sa pamamagitan ng isang tanging kabayaran). Ito ang mga katakdaan na itinalaga ni Allah, kaya’t huwag kayong sumuway dito. At sinumang sumuway sa katakdaang itinalaga ni Allah, kung gayon, sila ay Zalimun (mga tampalasan, mapaggawa ng kamalian, atbp)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba