Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #221 Translated in Filipino

يَسْأَلُونَكَ عَنِ الشَّهْرِ الْحَرَامِ قِتَالٍ فِيهِ ۖ قُلْ قِتَالٌ فِيهِ كَبِيرٌ ۖ وَصَدٌّ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَكُفْرٌ بِهِ وَالْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَإِخْرَاجُ أَهْلِهِ مِنْهُ أَكْبَرُ عِنْدَ اللَّهِ ۚ وَالْفِتْنَةُ أَكْبَرُ مِنَ الْقَتْلِ ۗ وَلَا يَزَالُونَ يُقَاتِلُونَكُمْ حَتَّىٰ يَرُدُّوكُمْ عَنْ دِينِكُمْ إِنِ اسْتَطَاعُوا ۚ وَمَنْ يَرْتَدِدْ مِنْكُمْ عَنْ دِينِهِ فَيَمُتْ وَهُوَ كَافِرٌ فَأُولَٰئِكَ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۖ وَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pakikipaglaban sa mga banal na buwan (ang una, pampito, panlabing- isa at panlabingdalawang buwan ng Kalendaryong Islamiko). Ipagbadya: “Ang pakikipaglaban dito ay isang matinding pagsuway (at pagmamalabis), datapuwa’t ang higit na pagsuway sa Paningin ni Allah ay ang pagpigil sa sangkatauhan na sumunod sa Landas ni Allah, ang hindi manampalataya sa Kanya, at pumigil na makapasok sila sa Banal na Bahay Dalanginan (Masjid Al-Haram sa Makkah) at itaboy ang nagsisipanirahan dito, at ang Al-Fitnah (kawalan ng pananampalataya at pagsamba sa mga diyus- diyosan) ay higit na masama sa pagpatay. At sila ay hindi kailanman titigil sa pakikipaglaban sa inyo hanggang sa kayo ay kanilang mailugso (mailigaw) sa inyong relihiyon (Paniniwala sa Iisang Diyos at sa Islam) hangga’t kanilang magagawa. At sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang Pananampalataya at mamatay na walang pananalig, kung gayon, ang kanyang mga gawa ay mawawala sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, at sila ang magsisipanirahan sa Apoy. Sila ay mananahan dito magpakailanman
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَاجَرُوا وَجَاهَدُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ أُولَٰئِكَ يَرْجُونَ رَحْمَتَ اللَّهِ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Katotohanan, ang mga nagsisampalataya at mga nagsilikas (dahilan sa Pananampalataya ni Allah, ang Islam) at nagsikap na mainam tangi sa Kapakanan ni Allah, sila ay mayroong pag-asa ng Habag ni Allah; at si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
يَسْأَلُونَكَ عَنِ الْخَمْرِ وَالْمَيْسِرِ ۖ قُلْ فِيهِمَا إِثْمٌ كَبِيرٌ وَمَنَافِعُ لِلنَّاسِ وَإِثْمُهُمَا أَكْبَرُ مِنْ نَفْعِهِمَا ۗ وَيَسْأَلُونَكَ مَاذَا يُنْفِقُونَ قُلِ الْعَفْوَ ۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ تَتَفَكَّرُونَ
Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) tungkol sa nakalalasing na inumin at ang pagsusugal. Ipagbadya: “Sa mga ito ay mayroong malaking kasalanan at ilang kapakinabangan sa mga tao; datapuwa’t ang kasalanan ay higit sa kapakinabangan.” At itinatanong nila sa iyo kung magkano ang dapat nilang gugulin (sa kawanggawa). Ipagbadya: “Kung ano ang lumalabis sa inyong pangangailangan.” Kaya’t sa ganito ginawa ni Allah na maging maliwanag sa inyo ang Kanyang mga Batas upang kayo ay magkaroon ng pang-unawa - (ang kautusan sa talatang ito tungkol sa nakalalasing na inumin at pagsusugal ay sinusugan [o pinawalang bisa] sa pamamagitan ng talata sa Surah
فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۗ وَيَسْأَلُونَكَ عَنِ الْيَتَامَىٰ ۖ قُلْ إِصْلَاحٌ لَهُمْ خَيْرٌ ۖ وَإِنْ تُخَالِطُوهُمْ فَإِخْوَانُكُمْ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ الْمُفْسِدَ مِنَ الْمُصْلِحِ ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَأَعْنَتَكُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Sa buhay sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. At sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa mga ulila. Ipagbadya: “Ang pinakamainam sa lahat ay pangalagaan nang matapat ang kanilang ari-arian at kung pagsamahin ninyo ang inyong mga gawain sa kanila, sila ay inyong mga kapatid. At siya na may pag-iimbot (sa ari-arian) at siya na ang pagnanais ay mabuti (na pangalagaan ang ari-arian) ay nababatid ni Allah.” At kung ninais lamang ni Allah, maaari Niyang ilagay kayo sa kagipitan. Katotohanang si Allah ang Pinakamakapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan
وَلَا تَنْكِحُوا الْمُشْرِكَاتِ حَتَّىٰ يُؤْمِنَّ ۚ وَلَأَمَةٌ مُؤْمِنَةٌ خَيْرٌ مِنْ مُشْرِكَةٍ وَلَوْ أَعْجَبَتْكُمْ ۗ وَلَا تُنْكِحُوا الْمُشْرِكِينَ حَتَّىٰ يُؤْمِنُوا ۚ وَلَعَبْدٌ مُؤْمِنٌ خَيْرٌ مِنْ مُشْرِكٍ وَلَوْ أَعْجَبَكُمْ ۗ أُولَٰئِكَ يَدْعُونَ إِلَى النَّارِ ۖ وَاللَّهُ يَدْعُو إِلَى الْجَنَّةِ وَالْمَغْفِرَةِ بِإِذْنِهِ ۖ وَيُبَيِّنُ آيَاتِهِ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ
At huwag ninyong pangasawahin ang Al-Mushrikah (walang pananampalatayang babae kay Allah, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan) hanggang sa sila ay manampalataya. Katiyakan, ang isang aliping babae na nananampalataya ay higit na mainam sa isang (malaya) datapuwa’t walang pananampalatayang babae kahit na nga siya ay nakakaganyak sa inyo. Huwag din ninyong ipangasawa ang inyong kababaihan sa Al- Mushrikun (walang pananampalatayang lalaki kay Allah, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan) hanggang sa sila ay manampalataya. Katotohanan, ang isang nananampalatayang lalaki ay higit na mainam kaysa sa isang (malaya), ngunit walang pananampalatayang lalaki, kahit na nga siya ay nakakaganyak sa inyo. Ang mga mapagsamba sa diyus-diyosan (Al-Mushrikun) ay nag- aanyaya sa inyo sa Apoy, datapuwa’t si Allah ay nag-aanyaya (sa inyo) sa Paraiso at Pagpapatawad ayon sa Kanyang Kapasiyahan at ginawa Niyang maliwanag ang Kanyang Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) sa sangkatauhan upang sila ay tumanggap ng paala-ala

Choose other languages: