Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayah #221 Translated in Filipino

وَلَا تَنْكِحُوا الْمُشْرِكَاتِ حَتَّىٰ يُؤْمِنَّ ۚ وَلَأَمَةٌ مُؤْمِنَةٌ خَيْرٌ مِنْ مُشْرِكَةٍ وَلَوْ أَعْجَبَتْكُمْ ۗ وَلَا تُنْكِحُوا الْمُشْرِكِينَ حَتَّىٰ يُؤْمِنُوا ۚ وَلَعَبْدٌ مُؤْمِنٌ خَيْرٌ مِنْ مُشْرِكٍ وَلَوْ أَعْجَبَكُمْ ۗ أُولَٰئِكَ يَدْعُونَ إِلَى النَّارِ ۖ وَاللَّهُ يَدْعُو إِلَى الْجَنَّةِ وَالْمَغْفِرَةِ بِإِذْنِهِ ۖ وَيُبَيِّنُ آيَاتِهِ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ
At huwag ninyong pangasawahin ang Al-Mushrikah (walang pananampalatayang babae kay Allah, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan) hanggang sa sila ay manampalataya. Katiyakan, ang isang aliping babae na nananampalataya ay higit na mainam sa isang (malaya) datapuwa’t walang pananampalatayang babae kahit na nga siya ay nakakaganyak sa inyo. Huwag din ninyong ipangasawa ang inyong kababaihan sa Al- Mushrikun (walang pananampalatayang lalaki kay Allah, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan) hanggang sa sila ay manampalataya. Katotohanan, ang isang nananampalatayang lalaki ay higit na mainam kaysa sa isang (malaya), ngunit walang pananampalatayang lalaki, kahit na nga siya ay nakakaganyak sa inyo. Ang mga mapagsamba sa diyus-diyosan (Al-Mushrikun) ay nag- aanyaya sa inyo sa Apoy, datapuwa’t si Allah ay nag-aanyaya (sa inyo) sa Paraiso at Pagpapatawad ayon sa Kanyang Kapasiyahan at ginawa Niyang maliwanag ang Kanyang Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) sa sangkatauhan upang sila ay tumanggap ng paala-ala

Choose other languages: