Surah Al-Baqara Ayahs #226 Translated in Filipino
وَيَسْأَلُونَكَ عَنِ الْمَحِيضِ ۖ قُلْ هُوَ أَذًى فَاعْتَزِلُوا النِّسَاءَ فِي الْمَحِيضِ ۖ وَلَا تَقْرَبُوهُنَّ حَتَّىٰ يَطْهُرْنَ ۖ فَإِذَا تَطَهَّرْنَ فَأْتُوهُنَّ مِنْ حَيْثُ أَمَرَكُمُ اللَّهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ التَّوَّابِينَ وَيُحِبُّ الْمُتَطَهِّرِينَ
Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pagreregla ng mga babae. Ipagbadya: “Ito ay isang Adha (masamang bagay sa isang lalaki na makipag-ulayaw sa kanyang asawa), kaya’t manatiling malayo sa mga babae sa kanilang pagreregla at huwag ninyo silang lapitan (o makipagniig) hanggang sa sila ay hindi malinis (sa pagreregla at nakapaligo na). At kung napadalisay na nila ang kanilang sarili, kung gayon, sila ay inyong lapitan sa paraan na ipinag-utos ni Allah (makipag- ulayaw sa kanila sa anumang paraan hangga’t ito ay nasa loob ng kanilang kaluba). Katotohanang si Allah ay tunay na nagmamahal sa mga nagbabalik loob sa Kanya sa pagsisisi at nagmamahal sa kanila na nagpapadalisay ng kanilang sarili (naliligo at naghuhugas na mabuti ng kanilang katawan at maseselang bahagi bilang paghahanda sa pagdarasal, atbp)
نِسَاؤُكُمْ حَرْثٌ لَكُمْ فَأْتُوا حَرْثَكُمْ أَنَّىٰ شِئْتُمْ ۖ وَقَدِّمُوا لِأَنْفُسِكُمْ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّكُمْ مُلَاقُوهُ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ
Ang inyong mga asawa ay isang taniman ng binhi kaya’t makipagniig sa inyong mayamang taniman sa anumang paraan na inyong naisin (makipagniig kayo sa inyong mga asawa hangga’t ito ay nasa loob ng kanilang kaluba at hindi sa likuran), kung kailan at paano ninyo ibig, datapuwa’t umusal ng mabuting gawa (manalangin na pagkalooban kayo ng mabuting mga supling) para sa inyong mga sarili; at inyong pangambahan si Allah at inyong maalaman na Siya ay inyong makakatipan (sa Kabilang Buhay), at iyong ibigay (o Muhammad) sa mga sumasampalataya ang magandang balita
وَلَا تَجْعَلُوا اللَّهَ عُرْضَةً لِأَيْمَانِكُمْ أَنْ تَبَرُّوا وَتَتَّقُوا وَتُصْلِحُوا بَيْنَ النَّاسِ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
At huwag ninyong gamitin (ang Ngalan) ni Allah bilang dahilan sa inyong mga panunumpa (pamamanata), na makapigil sa inyong paggawa ng kabutihan, o makagawa ng kabanalan at magbigay ng kapayapaan sa sangkatauhan; sapagkat si Allah ang Tanging Isa na Ganap na Nakakarinig at Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay (alalaong baga, huwag manumpa nang labis at kung kayo ay nakapanumpa nang laban sa paggawa ng bagay na mabuti, kung gayon, magbigay ng kabayaran para sa sumpa at gumawa ng mabuti)
لَا يُؤَاخِذُكُمُ اللَّهُ بِاللَّغْوِ فِي أَيْمَانِكُمْ وَلَٰكِنْ يُؤَاخِذُكُمْ بِمَا كَسَبَتْ قُلُوبُكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٌ
Si Allah ay hindi tatawag sa inyo upang magsulit sa mga panunumpa na hindi ninyo kusang ginawa datapuwa’t kayo ay Kanyang tatawagin upang magsulit sa mga naging layon ng inyong puso, at Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamapagpaumanhin
لِلَّذِينَ يُؤْلُونَ مِنْ نِسَائِهِمْ تَرَبُّصُ أَرْبَعَةِ أَشْهُرٍ ۖ فَإِنْ فَاءُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Ang mga nagsigawa ng panata na hindi makikipagtalik sa kanilang mga asawa ay nararapat na maghintay ng apat na buwan, ngunit kung sila ay magbalik (magbago ang kanilang pasya sa loob ng ganitong panahon), katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
