Surah Al-Baqara Ayahs #228 Translated in Filipino
وَلَا تَجْعَلُوا اللَّهَ عُرْضَةً لِأَيْمَانِكُمْ أَنْ تَبَرُّوا وَتَتَّقُوا وَتُصْلِحُوا بَيْنَ النَّاسِ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
At huwag ninyong gamitin (ang Ngalan) ni Allah bilang dahilan sa inyong mga panunumpa (pamamanata), na makapigil sa inyong paggawa ng kabutihan, o makagawa ng kabanalan at magbigay ng kapayapaan sa sangkatauhan; sapagkat si Allah ang Tanging Isa na Ganap na Nakakarinig at Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay (alalaong baga, huwag manumpa nang labis at kung kayo ay nakapanumpa nang laban sa paggawa ng bagay na mabuti, kung gayon, magbigay ng kabayaran para sa sumpa at gumawa ng mabuti)
لَا يُؤَاخِذُكُمُ اللَّهُ بِاللَّغْوِ فِي أَيْمَانِكُمْ وَلَٰكِنْ يُؤَاخِذُكُمْ بِمَا كَسَبَتْ قُلُوبُكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٌ
Si Allah ay hindi tatawag sa inyo upang magsulit sa mga panunumpa na hindi ninyo kusang ginawa datapuwa’t kayo ay Kanyang tatawagin upang magsulit sa mga naging layon ng inyong puso, at Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamapagpaumanhin
لِلَّذِينَ يُؤْلُونَ مِنْ نِسَائِهِمْ تَرَبُّصُ أَرْبَعَةِ أَشْهُرٍ ۖ فَإِنْ فَاءُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Ang mga nagsigawa ng panata na hindi makikipagtalik sa kanilang mga asawa ay nararapat na maghintay ng apat na buwan, ngunit kung sila ay magbalik (magbago ang kanilang pasya sa loob ng ganitong panahon), katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَإِنْ عَزَمُوا الطَّلَاقَ فَإِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
At kung sila ay magpasya sa pakikipaghiwalay (diborsyo), kung gayon, si Allah ang Lubos na Nakakarinig at Ganap na Nakakabatid ng lahat ng bagay
وَالْمُطَلَّقَاتُ يَتَرَبَّصْنَ بِأَنْفُسِهِنَّ ثَلَاثَةَ قُرُوءٍ ۚ وَلَا يَحِلُّ لَهُنَّ أَنْ يَكْتُمْنَ مَا خَلَقَ اللَّهُ فِي أَرْحَامِهِنَّ إِنْ كُنَّ يُؤْمِنَّ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۚ وَبُعُولَتُهُنَّ أَحَقُّ بِرَدِّهِنَّ فِي ذَٰلِكَ إِنْ أَرَادُوا إِصْلَاحًا ۚ وَلَهُنَّ مِثْلُ الَّذِي عَلَيْهِنَّ بِالْمَعْرُوفِ ۚ وَلِلرِّجَالِ عَلَيْهِنَّ دَرَجَةٌ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Ang mga nahiwalay (nadiborsyong) babae ay maghihintay (tungkol sa kanilang pagsasama) ng tatlong buwanang dalaw (pagreregla); at hindi maka-diyos (marapat) sa kanila na ilingid ang nilikha ni Allah sa kanilang sinapupunan kung sila ay sumasampalataya kay Allah at sa HulingAraw.At angkanilangasawa(anglalaki) angmayhigit na karapatan na balikan (o kunin) sila sa panahong ito kung sila ay nagnanais ng pakikipagbalikan (pakikipagkasundo). At sila (ang kababaihan) ay mayroong karapatan (sa kanilang asawa na sila ay pangalagaan, katulad ng gastusin sa bahay, atbp.), gayundin naman (ang kalalakihan) sa kanilang (mga babae) pakikitungo (pagsunod at paggalang), sa paraang makatuwiran, datapuwa’t ang kalalakihan ay nakakahigit sa kanila (sa pananagutan), at si Allah ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lubos na Maalam
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
