Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #218 Translated in Filipino

أَمْ حَسِبْتُمْ أَنْ تَدْخُلُوا الْجَنَّةَ وَلَمَّا يَأْتِكُمْ مَثَلُ الَّذِينَ خَلَوْا مِنْ قَبْلِكُمْ ۖ مَسَّتْهُمُ الْبَأْسَاءُ وَالضَّرَّاءُ وَزُلْزِلُوا حَتَّىٰ يَقُولَ الرَّسُولُ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ مَتَىٰ نَصْرُ اللَّهِ ۗ أَلَا إِنَّ نَصْرَ اللَّهِ قَرِيبٌ
At kayo ba ay nag-aakala na kayo ay magsisipasok sa Halamanan (ng Kaligayahan) ng walang anumang (pagsubok) na katulad ng dumatal sa mga nangauna sa inyo? Sila ay nakaranas ng mga matinding kahirapan at karamdaman at lubha silang nawalan ng katatagan, na maging ang Tagapagbalita at ang mga naniniwala na kasama niya ay nagsabi: “Kailan pa kaya daratal ang Paglingap ni Allah?” Tunay nga! walang pagsala, ang Tulong ni Allah ay nandiriyan na
يَسْأَلُونَكَ مَاذَا يُنْفِقُونَ ۖ قُلْ مَا أَنْفَقْتُمْ مِنْ خَيْرٍ فَلِلْوَالِدَيْنِ وَالْأَقْرَبِينَ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَابْنِ السَّبِيلِ ۗ وَمَا تَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ فَإِنَّ اللَّهَ بِهِ عَلِيمٌ
Itinatanong nila sa iyo (o Muhammad) kung ano ang kanilang dapat gugulin (sa kawanggawa). Ipagbadya: “Anumang kayamanan na inyong gugulin mula sa mabuti ay para sa mga magulang at kamag-anak, at sa mga ulila, at sa mga humihingi at sa mga naglalakbay (na walang masilungan). At anuman ang inyong ginawa na mabuti, tunay na talastas ito ni Allah.”
كُتِبَ عَلَيْكُمُ الْقِتَالُ وَهُوَ كُرْهٌ لَكُمْ ۖ وَعَسَىٰ أَنْ تَكْرَهُوا شَيْئًا وَهُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۖ وَعَسَىٰ أَنْ تُحِبُّوا شَيْئًا وَهُوَ شَرٌّ لَكُمْ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ
Ang Jihad (ang banal na pakikipagpunyagi sa Islam) ay ipinag-utos sa inyo (o mga Muslim) bagama’t ito ay hindi ninyo nais; maaari na hindi ninyo naiibigan ang isang bagay na mainam sa inyo at naiibigan naman ninyo ang isang bagay na masama sa inyo. Datapuwa’t si Allah ang nakakaalam at ito ay hindi ninyo nalalaman
يَسْأَلُونَكَ عَنِ الشَّهْرِ الْحَرَامِ قِتَالٍ فِيهِ ۖ قُلْ قِتَالٌ فِيهِ كَبِيرٌ ۖ وَصَدٌّ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَكُفْرٌ بِهِ وَالْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَإِخْرَاجُ أَهْلِهِ مِنْهُ أَكْبَرُ عِنْدَ اللَّهِ ۚ وَالْفِتْنَةُ أَكْبَرُ مِنَ الْقَتْلِ ۗ وَلَا يَزَالُونَ يُقَاتِلُونَكُمْ حَتَّىٰ يَرُدُّوكُمْ عَنْ دِينِكُمْ إِنِ اسْتَطَاعُوا ۚ وَمَنْ يَرْتَدِدْ مِنْكُمْ عَنْ دِينِهِ فَيَمُتْ وَهُوَ كَافِرٌ فَأُولَٰئِكَ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۖ وَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pakikipaglaban sa mga banal na buwan (ang una, pampito, panlabing- isa at panlabingdalawang buwan ng Kalendaryong Islamiko). Ipagbadya: “Ang pakikipaglaban dito ay isang matinding pagsuway (at pagmamalabis), datapuwa’t ang higit na pagsuway sa Paningin ni Allah ay ang pagpigil sa sangkatauhan na sumunod sa Landas ni Allah, ang hindi manampalataya sa Kanya, at pumigil na makapasok sila sa Banal na Bahay Dalanginan (Masjid Al-Haram sa Makkah) at itaboy ang nagsisipanirahan dito, at ang Al-Fitnah (kawalan ng pananampalataya at pagsamba sa mga diyus- diyosan) ay higit na masama sa pagpatay. At sila ay hindi kailanman titigil sa pakikipaglaban sa inyo hanggang sa kayo ay kanilang mailugso (mailigaw) sa inyong relihiyon (Paniniwala sa Iisang Diyos at sa Islam) hangga’t kanilang magagawa. At sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang Pananampalataya at mamatay na walang pananalig, kung gayon, ang kanyang mga gawa ay mawawala sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, at sila ang magsisipanirahan sa Apoy. Sila ay mananahan dito magpakailanman
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَاجَرُوا وَجَاهَدُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ أُولَٰئِكَ يَرْجُونَ رَحْمَتَ اللَّهِ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Katotohanan, ang mga nagsisampalataya at mga nagsilikas (dahilan sa Pananampalataya ni Allah, ang Islam) at nagsikap na mainam tangi sa Kapakanan ni Allah, sila ay mayroong pag-asa ng Habag ni Allah; at si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

Choose other languages: