Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #183 Translated in Filipino

وَلَكُمْ فِي الْقِصَاصِ حَيَاةٌ يَا أُولِي الْأَلْبَابِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
At sa Al-Qisas (Batas ng Pagkakapantay-pantay sa kaparusahan) ay mayroong (pagliligtas) ng buhay sa inyo, o kayong mga tao na may pang-unawa, upang kayo ay maging Al-Mutaqqun (magkaroon ng kabanalan, kabutihan, katuwiran, atbp)
كُتِبَ عَلَيْكُمْ إِذَا حَضَرَ أَحَدَكُمُ الْمَوْتُ إِنْ تَرَكَ خَيْرًا الْوَصِيَّةُ لِلْوَالِدَيْنِ وَالْأَقْرَبِينَ بِالْمَعْرُوفِ ۖ حَقًّا عَلَى الْمُتَّقِينَ
Ito ay itinatalaga sa inyo: kung ang kamatayan ay sumapit sa isa sa inyo, at kung siya ay nakaiwan ng kayamanan; na siya ay magpamana sa (kanyang) magulang at malalapit na kamag-anak ng ayon sa katamtamang paraan (o paggamit). Ito ay isang tungkulin ng Al-Muttaqun (mga may damdamin ng kabanalan at katuwiran)
فَمَنْ بَدَّلَهُ بَعْدَمَا سَمِعَهُ فَإِنَّمَا إِثْمُهُ عَلَى الَّذِينَ يُبَدِّلُونَهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
At kung sinuman ang magbago ng pamana matapos na ito ay marinig, ang kasalanan ay manggagaling sa bumago (o nagpalit) nito. Katotohanang si Allah ang Lubos na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakaalam
فَمَنْ خَافَ مِنْ مُوصٍ جَنَفًا أَوْ إِثْمًا فَأَصْلَحَ بَيْنَهُمْ فَلَا إِثْمَ عَلَيْهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Datapuwa’t kung sinuman ang may pangangamba sa hindi makatwiran o kamalian na nagawa ng sumulat ng habilin, at kanyang pinagkasundo at pinayapa ang mga sangkot na tao, wala siyang kamalian o kasalanan dito. Katiyakang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamawain
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُتِبَ عَلَيْكُمُ الصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Ang pag-aayuno ay iginawad sa inyo na kagaya rin naman nang pagtatalaga sa mga nangauna sa inyo, upang kayo ay maging Al-Muttaqun (magkaroon ng pagpipigil sa sarili, may kabanalan, kabutihan, katuwiran, kataimtiman, atbp)

Choose other languages: