Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #16 Translated in Filipino

أَلَا إِنَّهُمْ هُمُ الْمُفْسِدُونَ وَلَٰكِنْ لَا يَشْعُرُونَ
At katotohanang sila ang nagsisigawa ng kabuhungan, datapuwa’t ito ay hindi nila napag-aakala
وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ آمِنُوا كَمَا آمَنَ النَّاسُ قَالُوا أَنُؤْمِنُ كَمَا آمَنَ السُّفَهَاءُ ۗ أَلَا إِنَّهُمْ هُمُ السُّفَهَاءُ وَلَٰكِنْ لَا يَعْلَمُونَ
At kung sa kanila (na mapagkunwari) ay ipinagbabadya: “Magsisampalataya kayo ng katulad ng mga sumasampalataya.” Sila ay nagsasabi: “Kami ba ay magsisipaniwala ng katulad ng paniniwala ng mga baliw?” Katotohanang sila ang mga baliw, datapuwa’t ito ay hindi nila nababatid
وَإِذَا لَقُوا الَّذِينَ آمَنُوا قَالُوا آمَنَّا وَإِذَا خَلَوْا إِلَىٰ شَيَاطِينِهِمْ قَالُوا إِنَّا مَعَكُمْ إِنَّمَا نَحْنُ مُسْتَهْزِئُونَ
At kung kanilang nakakadaupang palad ang mga sumasampalataya, sila ay nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya”, datapuwa’t kung sila ay nag-iisa na lamang na kasama ang kanilang masasama (mga pagano, mapagpaimbabaw, atbp.) sila ay nagsasabi: “Katotohanang kami ay nasa inyo, (datapuwa’t) kami ay nanunuya lamang.”
اللَّهُ يَسْتَهْزِئُ بِهِمْ وَيَمُدُّهُمْ فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ
Si Allah ang manunuya sa kanila at magbibigay ng dagdag sa kanilang mga kamalian upang sila ay magsilibot na katulad ng isang bulag
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ اشْتَرَوُا الضَّلَالَةَ بِالْهُدَىٰ فَمَا رَبِحَتْ تِجَارَتُهُمْ وَمَا كَانُوا مُهْتَدِينَ
Sila yaong ipinagpalit nila ang kamalian sa patnubay, kaya’t ang kanilang kalakal ay walang kapakinabangan; at sila ay nawalan ng patnubay

Choose other languages: