Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #84 Translated in Filipino

وَلُوطًا إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ أَتَأْتُونَ الْفَاحِشَةَ مَا سَبَقَكُمْ بِهَا مِنْ أَحَدٍ مِنَ الْعَالَمِينَ
At (alalahanin) si Lut, nang sabihin niya sa kanyang pamayanan: “Inyo bagang ginagawa ang pinakamasamang kasalanan, na wala pang sinuman ang nakauna sa inyo sa lahat ng mga nilalang
إِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الرِّجَالَ شَهْوَةً مِنْ دُونِ النِّسَاءِ ۚ بَلْ أَنْتُمْ قَوْمٌ مُسْرِفُونَ
Katotohanang inyong idinaraos ang inyong pagnanasa sa mga lalaki, sa halip ng mga babae. Hindi, kayo ay mga tao na lumalabag ng lagpas sa hangganan (sa paggawa ng malalaking kasalanan).”
وَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَنْ قَالُوا أَخْرِجُوهُمْ مِنْ قَرْيَتِكُمْ ۖ إِنَّهُمْ أُنَاسٌ يَتَطَهَّرُونَ
At ang sagot ng kanyang pamayanan ay tanging ang kanilang pagsasabi: “Sila ay palayasin ninyo sa inyong bayan, katotohanang sila ang mga tao na nagnanais na maging dalisay (sa mga kasalanan)!”
فَأَنْجَيْنَاهُ وَأَهْلَهُ إِلَّا امْرَأَتَهُ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ
At Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya, maliban sa kanyang asawa; siya ay isa sa mga nanatili sa likuran (alalaong baga, nagpaiwan tungo sa kaparusahan)
وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِمْ مَطَرًا ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُجْرِمِينَ
At nagpaulan Kami sa kanila ng ulan (ng mga bato). At pagmasdan kung ano ang kinahinatnan ng Mujrimun (mga kriminal, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, atbp)

Choose other languages: