Surah Al-Araf Ayahs #62 Translated in Filipino
وَالْبَلَدُ الطَّيِّبُ يَخْرُجُ نَبَاتُهُ بِإِذْنِ رَبِّهِ ۖ وَالَّذِي خَبُثَ لَا يَخْرُجُ إِلَّا نَكِدًا ۚ كَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَشْكُرُونَ
Ang mga halaman ng isang mabuting lupa (ay madaling) sumibol sa kapahintulutan ng kanyang Panginoon, at sa hindi mabuting (lupa), rito ay walang sumibol maliban sa kakarampot lamang (bukod) pa sa may kahirapan. Sa ganito Namin ipinapaliwanag sa maraming paraan ang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), sa mga tao na nagbibigay ng pasasalamat
لَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ
Katotohanang Aming isinugo si Noe sa kanyang pamayanan, at siya ay nagsabi: “o aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah! wala na kayong iba pang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya. (La ilaha ill Allah: Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Katiyakang ako ay nangangamba para sa inyo sa kaparusahan ng dakilang Araw!”
قَالَ الْمَلَأُ مِنْ قَوْمِهِ إِنَّا لَنَرَاكَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
Ang mga pinuno ng kanyang pamayanan ay nagsabi: “Katotohanang ikaw ay namamalas namin sa isang lantad na kamalian.”
قَالَ يَا قَوْمِ لَيْسَ بِي ضَلَالَةٌ وَلَٰكِنِّي رَسُولٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ
(Si Noe) ay nagbadya: “o aking pamayanan! walang kamalian sa akin, datapuwa’t ako ay isang Tagapagbalita mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang
أُبَلِّغُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَأَنْصَحُ لَكُمْ وَأَعْلَمُ مِنَ اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ
Aking ipinararating sa inyo ang mga mensahe ng aking Panginoon at nagbibigay sa inyo ng matapat na pagpapayo. At aking nababatid mula kay Allah ang hindi ninyo nalalaman
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
