Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #39 Translated in Filipino

يَا بَنِي آدَمَ إِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ رُسُلٌ مِنْكُمْ يَقُصُّونَ عَلَيْكُمْ آيَاتِي ۙ فَمَنِ اتَّقَىٰ وَأَصْلَحَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
O Angkan ni Adan! Kung may mga Tagapagbalita na dumatal mula sa lipon ninyo, na dumadalit sa inyo ng Aking mga Talata, kung gayon, sinuman ang maging matimtiman at maging matuwid, sa kanila ay walang pangangamba, gayundin sila ay hindi malulumbay
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُوا عَنْهَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Datapuwa’t sila na nagtatakwil ng Aming Ayat (mga kapahayagan, tanda, aral, katibayan, atbp.), at nagtuturing dito ng may kapalaluan, sila ang magsisipanahan sa Apoy (Impiyerno), mananatili sila rito magpakailanman
فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِآيَاتِهِ ۚ أُولَٰئِكَ يَنَالُهُمْ نَصِيبُهُمْ مِنَ الْكِتَابِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَاءَتْهُمْ رُسُلُنَا يَتَوَفَّوْنَهُمْ قَالُوا أَيْنَ مَا كُنْتُمْ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ قَالُوا ضَلُّوا عَنَّا وَشَهِدُوا عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ أَنَّهُمْ كَانُوا كَافِرِينَ
Sino pa ba kaya ang higit na walang katarungan maliban sa kanya na kumakatha ng kabulaanan laban kay Allah o nagtatakwil sa Kanyang Ayat (mga katibayan, aral, tanda, kapahayagan, atbp.)? Sa gayong mga (tao), ang kanilang natatakdaang bahagi (ng mabubuting bagay sa buhay sa mundong ito at sa haba ng kanilang taning na panahon dito), ay sasapit sa kanila mula sa Aklat (ng mga Pag-uutos); hanggang kung ang Aming mga Tagapagbalita (ang Anghel ng kamatayan at kanyang mga alalay) ay dumatal sa kanila upang kunin ang kanilang kaluluwa, sila (mga Anghel) ay magsasabi: “Nasaan ang mga pinananalanginan ninyo at sinasamba maliban pa kay Allah?”, at sila ay magsasabi, “Sila ay naglaho at kami ay (kanilang) iniwan.” At sila ang magbibigay saksi sa kanilang sarili na sila ay mga hindi nananampalataya
قَالَ ادْخُلُوا فِي أُمَمٍ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِكُمْ مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ فِي النَّارِ ۖ كُلَّمَا دَخَلَتْ أُمَّةٌ لَعَنَتْ أُخْتَهَا ۖ حَتَّىٰ إِذَا ادَّارَكُوا فِيهَا جَمِيعًا قَالَتْ أُخْرَاهُمْ لِأُولَاهُمْ رَبَّنَا هَٰؤُلَاءِ أَضَلُّونَا فَآتِهِمْ عَذَابًا ضِعْفًا مِنَ النَّارِ ۖ قَالَ لِكُلٍّ ضِعْفٌ وَلَٰكِنْ لَا تَعْلَمُونَ
(Si Allah) ay magwiwika: “Magsipasok kayo sa lipon ng mga bansa (pamayanan) na nagsiyao na nang una pa sa inyo, mga tao at mga Jinn, tungo sa Apoy. Sa bawat sandali na ang isang bagong pamayanan (bansa) ay pumapasok, ito ay nagtutungayaw sa kanyang kapwa bansa (pamayanan na lumipas na noon), hanggang sa sila ay titipunin nang sama- sama sa Apoy. Ang huli sa kanila ay magsasabi sa una sa kanila: “Aming Panginoon! Silaangluminlangsaamin, kaya’t Inyong bigyan sila ng dalawang kaparusahan sa Apoy.” Siya (Allah) ay magwiwika: “Sa bawat isa ay mayroong dalawang (parusa), datapuwa’t ito ay hindi ninyo nalalaman.”
وَقَالَتْ أُولَاهُمْ لِأُخْرَاهُمْ فَمَا كَانَ لَكُمْ عَلَيْنَا مِنْ فَضْلٍ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْسِبُونَ
Ang una sa kanila ay magsasabi sa huli sa kanila: “Ikaw ay higit na masahol (hindi mainam) sa amin, kaya’t lasapin ninyo ang kaparusahan ng inyong ginawa.”

Choose other languages: