Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #37 Translated in Filipino

قُلْ إِنَّمَا حَرَّمَ رَبِّيَ الْفَوَاحِشَ مَا ظَهَرَ مِنْهَا وَمَا بَطَنَ وَالْإِثْمَ وَالْبَغْيَ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَأَنْ تُشْرِكُوا بِاللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ سُلْطَانًا وَأَنْ تَقُولُوا عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ
Ipagbadya (O Muhammad): “(Datapuwa’t) ang mga bagay na ipinagbawal ng aking Panginoon ay mga Al- Fawahish (malalaking kasamaan, lahat ng uri ng bawal na pakikipagtalik, atbp.) kahima’t ito ay ginawa nang lantad o lingid, (ang lahat ng uri) ng mga kasalanan, ang walang katarungang pang-aapi, ang pag-aakibat ng mga katambal (sa pagsamba) kay Allah na rito ay wala Siyang ibinigay na kapamahalaan, at pagsasabi ng mga bagay hinggil kay Allah na rito ay wala silang kaalaman
وَلِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٌ ۖ فَإِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ لَا يَسْتَأْخِرُونَ سَاعَةً ۖ وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ
At ang bawat bansa (pamayanan) ay may kanyang natataningang panahon; kung ang kanyang takda ay sumapit na, kahit na sa isang oras (o isang sandali), sila ay hindi makakaantala (nito) at gayundin, kahit na sa isang oras (o isang sandali), sila ay hindi makapagpapauna (nito)
يَا بَنِي آدَمَ إِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ رُسُلٌ مِنْكُمْ يَقُصُّونَ عَلَيْكُمْ آيَاتِي ۙ فَمَنِ اتَّقَىٰ وَأَصْلَحَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
O Angkan ni Adan! Kung may mga Tagapagbalita na dumatal mula sa lipon ninyo, na dumadalit sa inyo ng Aking mga Talata, kung gayon, sinuman ang maging matimtiman at maging matuwid, sa kanila ay walang pangangamba, gayundin sila ay hindi malulumbay
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُوا عَنْهَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Datapuwa’t sila na nagtatakwil ng Aming Ayat (mga kapahayagan, tanda, aral, katibayan, atbp.), at nagtuturing dito ng may kapalaluan, sila ang magsisipanahan sa Apoy (Impiyerno), mananatili sila rito magpakailanman
فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِآيَاتِهِ ۚ أُولَٰئِكَ يَنَالُهُمْ نَصِيبُهُمْ مِنَ الْكِتَابِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَاءَتْهُمْ رُسُلُنَا يَتَوَفَّوْنَهُمْ قَالُوا أَيْنَ مَا كُنْتُمْ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ قَالُوا ضَلُّوا عَنَّا وَشَهِدُوا عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ أَنَّهُمْ كَانُوا كَافِرِينَ
Sino pa ba kaya ang higit na walang katarungan maliban sa kanya na kumakatha ng kabulaanan laban kay Allah o nagtatakwil sa Kanyang Ayat (mga katibayan, aral, tanda, kapahayagan, atbp.)? Sa gayong mga (tao), ang kanilang natatakdaang bahagi (ng mabubuting bagay sa buhay sa mundong ito at sa haba ng kanilang taning na panahon dito), ay sasapit sa kanila mula sa Aklat (ng mga Pag-uutos); hanggang kung ang Aming mga Tagapagbalita (ang Anghel ng kamatayan at kanyang mga alalay) ay dumatal sa kanila upang kunin ang kanilang kaluluwa, sila (mga Anghel) ay magsasabi: “Nasaan ang mga pinananalanginan ninyo at sinasamba maliban pa kay Allah?”, at sila ay magsasabi, “Sila ay naglaho at kami ay (kanilang) iniwan.” At sila ang magbibigay saksi sa kanilang sarili na sila ay mga hindi nananampalataya

Choose other languages: