Surah Al-Araf Ayahs #162 Translated in Filipino
قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُمْ جَمِيعًا الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ فَآمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ النَّبِيِّ الْأُمِّيِّ الَّذِي يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَكَلِمَاتِهِ وَاتَّبِعُوهُ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “o sangkatauhan! Katotohanang ako ay isinugo sa inyong lahat bilang isang Tagapagbalita ni Allah, - Siya na nag-aangkin ng kapamahalaan ng mga kalangitan at ng kalupaan. La ilah ill Allah (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah); Siya ang naggagawad ng buhay at nagpapapangyari sa kamatayan. Kaya’t manampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), ang Propeta na hindi nakakabasa at hindi nakakasulat (Muhammad), na sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Salita (sa Qur’an, sa Torah [mga Batas] at sa Ebanghelyo at gayundin sa Salita ni Allah na: ‘Mangyari nga!’ At nangyari nga, alalaong baga, si Hesus na anak ni Maria), at siya ay inyong sundin upang kayo ay mapatnubayan.”
وَمِنْ قَوْمِ مُوسَىٰ أُمَّةٌ يَهْدُونَ بِالْحَقِّ وَبِهِ يَعْدِلُونَ
At sa lipon ng mga tao ni Moises ay mayroong isang pamayanan na umaakay (sa mga tao) ng may katotohanan at nagtatatag dito ng katarungan (alalaong baga, humahatol sa mga tao ng may katotohanan at katarungan)
وَقَطَّعْنَاهُمُ اثْنَتَيْ عَشْرَةَ أَسْبَاطًا أُمَمًا ۚ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ إِذِ اسْتَسْقَاهُ قَوْمُهُ أَنِ اضْرِبْ بِعَصَاكَ الْحَجَرَ ۖ فَانْبَجَسَتْ مِنْهُ اثْنَتَا عَشْرَةَ عَيْنًا ۖ قَدْ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٍ مَشْرَبَهُمْ ۚ وَظَلَّلْنَا عَلَيْهِمُ الْغَمَامَ وَأَنْزَلْنَا عَلَيْهِمُ الْمَنَّ وَالسَّلْوَىٰ ۖ كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ ۚ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ
At Aming pinagbaha-bahagi sila sa labingdalawang tribo (bilang namumukod) na mga bansa (pamayanan). Aming pinag-utusan si Moises na may inspirasyon, nang ang kanyang pamayanan ay humingi sa kanya ng tubig, (at Kami ay nagwika): “Paluin mo ang bato ng iyong tungkod.” At pumulandit mula rito ang labindalawang batis: ang bawat pangkat ay nakakaalam ng kanilang lugar ng tubig. Aming (Allah) nilimliman sila ng mga ulap at Aming ipinanaog sa kanila ang Manna (isang uri ng matamis na ngatain), at ng mga pugo, (na nagsasabi): “Kumain kayo ng mabubuting bagay na Aming ipinagkaloob sa inyo.” Kami (Allah) ay hindi nila mapipinsala, datapuwa’t pinipinsala (sinasaktan) nila ang kanilang sarili
وَإِذْ قِيلَ لَهُمُ اسْكُنُوا هَٰذِهِ الْقَرْيَةَ وَكُلُوا مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ وَقُولُوا حِطَّةٌ وَادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا نَغْفِرْ لَكُمْ خَطِيئَاتِكُمْ ۚ سَنَزِيدُ الْمُحْسِنِينَ
At (gunitain) nang ito ay sabihin sa kanila: “Magsipanirahan kayo sa bayang ito (Herusalem) at kumain kayo rito ng anumang inyong maibigan, at magsabi, “(o Allah), patawarin Ninyo ang aming mga kasalanan”; at magsipasok sa tarangkahan na nagpapatirapa (na nakayukod sa kapakumbabaan). Ipatatawad Namin sa inyo ang inyong mga kamalian. Aming pararamihin (ang pabuya) sa mga gumagawa ng kabutihan
فَبَدَّلَ الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْهُمْ قَوْلًا غَيْرَ الَّذِي قِيلَ لَهُمْ فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِجْزًا مِنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَظْلِمُونَ
Datapuwa’t sila na nasa kanilang lipon na gumawa ng kamalian ay nagpalit (bumago) sa salita na ipinangusap sa kanila. Kaya’t Aming ipinadala sa kanila ang isang kaparusahan mula sa langit bilang ganti sa kanilang mga maling gawa
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
