Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #85 Translated in Filipino

وَكَيْفَ أَخَافُ مَا أَشْرَكْتُمْ وَلَا تَخَافُونَ أَنَّكُمْ أَشْرَكْتُمْ بِاللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ عَلَيْكُمْ سُلْطَانًا ۚ فَأَيُّ الْفَرِيقَيْنِ أَحَقُّ بِالْأَمْنِ ۖ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ
At bakit ko pangangambahan ang (mga bagay) na itinatambal ninyo sa pagsamba kay Allah (bagama’t sila ay hindi makakapagbigay ng kapakinabangan o kasahulan), datapuwa’t hindi ninyo kinatatakutan na kayo ay nagtatambal sa pagsamba kay Allah sa mga bagay na Siya ay hindi nagpapanaog sa inyo ng kapamahalaan. (Kaya’t) sino sa dalawang pangkat ang may higit na karapatan sa kapanatagan, kung inyo lamang nalalaman.”
الَّذِينَ آمَنُوا وَلَمْ يَلْبِسُوا إِيمَانَهُمْ بِظُلْمٍ أُولَٰئِكَ لَهُمُ الْأَمْنُ وَهُمْ مُهْتَدُونَ
Sila na nananampalataya (sa Kaisahan ni Allah at wala nang sinasamba na iba pa maliban sa Kanya) at hindi inihahalo ang kalituhan sa kanilang paniniwala ng may kamalian (alalaong baga, ang pagsamba sa iba pa maliban kay Allah), sa kanila (lamang) ang kapanatagan at sila ay napapatnubayan
وَتِلْكَ حُجَّتُنَا آتَيْنَاهَا إِبْرَاهِيمَ عَلَىٰ قَوْمِهِ ۚ نَرْفَعُ دَرَجَاتٍ مَنْ نَشَاءُ ۗ إِنَّ رَبَّكَ حَكِيمٌ عَلِيمٌ
At ito ang Aming Katibayan na Aming ibinigay kay Abraham laban sa kanyang pamayanan. Aming itinataas ang antas ng sinuman na Aming maibigan. Katotohanan, ang inyong Panginoon ang Ganap na Maalam, ang Tigib ng Karunungan
وَوَهَبْنَا لَهُ إِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ ۚ كُلًّا هَدَيْنَا ۚ وَنُوحًا هَدَيْنَا مِنْ قَبْلُ ۖ وَمِنْ ذُرِّيَّتِهِ دَاوُودَ وَسُلَيْمَانَ وَأَيُّوبَ وَيُوسُفَ وَمُوسَىٰ وَهَارُونَ ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ
At iginawad Namin sa kanya si Isaac at Hakob, at ang bawat isa sa kanila ay Aming pinatnubayan, at noong una pa sa kanya, Aming pinatnubayan si Noe, at ang kanyang mga supling na sina David, Solomon, Job, Hosep, Moises at Aaron. Sa ganito Namin ginagantimpalaan ang mga mapaggawa ng kabutihan
وَزَكَرِيَّا وَيَحْيَىٰ وَعِيسَىٰ وَإِلْيَاسَ ۖ كُلٌّ مِنَ الصَّالِحِينَ
At si Zakarias, at si Juan at Hesus at Elias, ang bawat isa sa kanila ay nasa lipon ng mga matutuwid

Choose other languages: