Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #88 Translated in Filipino

وَوَهَبْنَا لَهُ إِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ ۚ كُلًّا هَدَيْنَا ۚ وَنُوحًا هَدَيْنَا مِنْ قَبْلُ ۖ وَمِنْ ذُرِّيَّتِهِ دَاوُودَ وَسُلَيْمَانَ وَأَيُّوبَ وَيُوسُفَ وَمُوسَىٰ وَهَارُونَ ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ
At iginawad Namin sa kanya si Isaac at Hakob, at ang bawat isa sa kanila ay Aming pinatnubayan, at noong una pa sa kanya, Aming pinatnubayan si Noe, at ang kanyang mga supling na sina David, Solomon, Job, Hosep, Moises at Aaron. Sa ganito Namin ginagantimpalaan ang mga mapaggawa ng kabutihan
وَزَكَرِيَّا وَيَحْيَىٰ وَعِيسَىٰ وَإِلْيَاسَ ۖ كُلٌّ مِنَ الصَّالِحِينَ
At si Zakarias, at si Juan at Hesus at Elias, ang bawat isa sa kanila ay nasa lipon ng mga matutuwid
وَإِسْمَاعِيلَ وَالْيَسَعَ وَيُونُسَ وَلُوطًا ۚ وَكُلًّا فَضَّلْنَا عَلَى الْعَالَمِينَ
At Ismael at Elisha, at Jonas at Lut, at ang bawat isa sa kanila ay Aming kinasihan ng higit sa lahat ng mga nilalang (ng kanilang kapanahunan)
وَمِنْ آبَائِهِمْ وَذُرِّيَّاتِهِمْ وَإِخْوَانِهِمْ ۖ وَاجْتَبَيْنَاهُمْ وَهَدَيْنَاهُمْ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
At gayundin ang ilan sa kanilang mga ama at kanilang supling at kanilang mga kapatid, sila ay Aming hinirang at sila ay Aming pinatnubayan sa tuwid na landas
ذَٰلِكَ هُدَى اللَّهِ يَهْدِي بِهِ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۚ وَلَوْ أَشْرَكُوا لَحَبِطَ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Ito ang Patnubay ni Allah, Kanyang ginagabayan ang sinumang Kanyang mapusuan sa Kanyang mga alipin. Datapuwa’t kung sila ay nagtambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah, ang lahat ng kanilang mga ginawa ay walang maibibigay na kapakinabangan sa kanila

Choose other languages: