Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #90 Translated in Filipino

وَإِسْمَاعِيلَ وَالْيَسَعَ وَيُونُسَ وَلُوطًا ۚ وَكُلًّا فَضَّلْنَا عَلَى الْعَالَمِينَ
At Ismael at Elisha, at Jonas at Lut, at ang bawat isa sa kanila ay Aming kinasihan ng higit sa lahat ng mga nilalang (ng kanilang kapanahunan)
وَمِنْ آبَائِهِمْ وَذُرِّيَّاتِهِمْ وَإِخْوَانِهِمْ ۖ وَاجْتَبَيْنَاهُمْ وَهَدَيْنَاهُمْ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
At gayundin ang ilan sa kanilang mga ama at kanilang supling at kanilang mga kapatid, sila ay Aming hinirang at sila ay Aming pinatnubayan sa tuwid na landas
ذَٰلِكَ هُدَى اللَّهِ يَهْدِي بِهِ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۚ وَلَوْ أَشْرَكُوا لَحَبِطَ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Ito ang Patnubay ni Allah, Kanyang ginagabayan ang sinumang Kanyang mapusuan sa Kanyang mga alipin. Datapuwa’t kung sila ay nagtambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah, ang lahat ng kanilang mga ginawa ay walang maibibigay na kapakinabangan sa kanila
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ وَالْحُكْمَ وَالنُّبُوَّةَ ۚ فَإِنْ يَكْفُرْ بِهَا هَٰؤُلَاءِ فَقَدْ وَكَّلْنَا بِهَا قَوْمًا لَيْسُوا بِهَا بِكَافِرِينَ
Sila ang Aming pinagkalooban ng Aklat, Al Hukm (pang-unawa sa batas ng pananampalataya), at ng Pagka-propeta. Datapuwa’t kung sila ay hindi nananalig dito (sa Aklat, sa Al Hukm, at sa Pagka-propeta), kung gayon, katiyakang Aming ipinagkatiwala ito sa isang Pamayanan (na katulad ng mga kasamahan ni Propeta Muhammad) na hindi nagtatakwil nito
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ هَدَى اللَّهُ ۖ فَبِهُدَاهُمُ اقْتَدِهْ ۗ قُلْ لَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ أَجْرًا ۖ إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرَىٰ لِلْعَالَمِينَ
Sila ang hinirang ni Allah na mapatnubayan. Kaya’t sundin ninyo ang kanilang patnubay. Ipagbadya: “walang anumang sukli ang aking hinihingi sa inyo rito (sa Qur’an). Itoayisalamang Paala-alasalahatngmganilalang.”

Choose other languages: