Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #39 Translated in Filipino

وَإِنْ كَانَ كَبُرَ عَلَيْكَ إِعْرَاضُهُمْ فَإِنِ اسْتَطَعْتَ أَنْ تَبْتَغِيَ نَفَقًا فِي الْأَرْضِ أَوْ سُلَّمًا فِي السَّمَاءِ فَتَأْتِيَهُمْ بِآيَةٍ ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَجَمَعَهُمْ عَلَى الْهُدَىٰ ۚ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْجَاهِلِينَ
Kung ang kanilang pag-ayaw (sa iyo, O Muhammadatsabagaynaipinaratingsaiyo) aymahirappara sa iyo, (at ikaw ay hindi matimtiman sa kanilang pananakit sa iyo), kung (magkagayon), kung ikaw ay makatagpo ng isang guwang sa lupa o isang hagdan (papataas) sa alapaap, upang ikaw ay makapagdala sa kanila ng isang Tanda (at ito ay hindi mo magagawa, kaya’t maging matiyaga; at ano ang magiging kabutihan nito sa kanila?). Kung ninais lamang ni Allah, magagawa Niyang tipunin sila nang sama-sama tungo sa isang tunay na patnubay, kaya’t huwag (kang) maging isa sa Al-Jahilun (mga mangmang at inutil)
إِنَّمَا يَسْتَجِيبُ الَّذِينَ يَسْمَعُونَ ۘ وَالْمَوْتَىٰ يَبْعَثُهُمُ اللَّهُ ثُمَّ إِلَيْهِ يُرْجَعُونَ
Sila lamang na nakikinig (sa Mensahe ni Propeta Muhammad), ang tatalima rito (makakapagkamit ng kapakinabangan); datapuwa’t sa mga patay (walang pananalig), si Allah ang magpapabangon sa kanila, at sa Kanya, sila ay magbabalik (tungo sa kanilang kabayaran)
وَقَالُوا لَوْلَا نُزِّلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۚ قُلْ إِنَّ اللَّهَ قَادِرٌ عَلَىٰ أَنْ يُنَزِّلَ آيَةً وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
At sila ay nagsabi: “Bakit kaya ang isang Tanda ay hindi ipinanaogsakanyamulasakanyang Panginoon?” Ipagbadya: “walang pagsala na si Allah ay makakapagpanaog ng isang Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman.”
وَمَا مِنْ دَابَّةٍ فِي الْأَرْضِ وَلَا طَائِرٍ يَطِيرُ بِجَنَاحَيْهِ إِلَّا أُمَمٌ أَمْثَالُكُمْ ۚ مَا فَرَّطْنَا فِي الْكِتَابِ مِنْ شَيْءٍ ۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّهِمْ يُحْشَرُونَ
walang isa mang gumagalaw (o nabubuhay) na nilalang sa kalupaan, gayundin ang isang ibon na lumilipad sa kanyang dalawang pakpak, na hindi mga pamayanan na katulad ninyo. Wala Kaming nakaligtaan sa Aklat, at sa kanilang Panginoon, silang (lahat) ay titipunin
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا صُمٌّ وَبُكْمٌ فِي الظُّلُمَاتِ ۗ مَنْ يَشَإِ اللَّهُ يُضْلِلْهُ وَمَنْ يَشَأْ يَجْعَلْهُ عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
Sila na nagtatakwil sa Aming Ayat (mga talata, kapahayagan, aral, katibayan, atbp.) ay mga bingi at pipi sa kadiliman. Si Allah ang nagsusugo sa pagkaligaw sa sinumang Kanyang maibigan at Siya ang namamatnubay sa Tuwid na Landas sa sinumang Kanyang naisin

Choose other languages: