Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #40 Translated in Filipino

إِنَّمَا يَسْتَجِيبُ الَّذِينَ يَسْمَعُونَ ۘ وَالْمَوْتَىٰ يَبْعَثُهُمُ اللَّهُ ثُمَّ إِلَيْهِ يُرْجَعُونَ
Sila lamang na nakikinig (sa Mensahe ni Propeta Muhammad), ang tatalima rito (makakapagkamit ng kapakinabangan); datapuwa’t sa mga patay (walang pananalig), si Allah ang magpapabangon sa kanila, at sa Kanya, sila ay magbabalik (tungo sa kanilang kabayaran)
وَقَالُوا لَوْلَا نُزِّلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۚ قُلْ إِنَّ اللَّهَ قَادِرٌ عَلَىٰ أَنْ يُنَزِّلَ آيَةً وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
At sila ay nagsabi: “Bakit kaya ang isang Tanda ay hindi ipinanaogsakanyamulasakanyang Panginoon?” Ipagbadya: “walang pagsala na si Allah ay makakapagpanaog ng isang Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman.”
وَمَا مِنْ دَابَّةٍ فِي الْأَرْضِ وَلَا طَائِرٍ يَطِيرُ بِجَنَاحَيْهِ إِلَّا أُمَمٌ أَمْثَالُكُمْ ۚ مَا فَرَّطْنَا فِي الْكِتَابِ مِنْ شَيْءٍ ۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّهِمْ يُحْشَرُونَ
walang isa mang gumagalaw (o nabubuhay) na nilalang sa kalupaan, gayundin ang isang ibon na lumilipad sa kanyang dalawang pakpak, na hindi mga pamayanan na katulad ninyo. Wala Kaming nakaligtaan sa Aklat, at sa kanilang Panginoon, silang (lahat) ay titipunin
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا صُمٌّ وَبُكْمٌ فِي الظُّلُمَاتِ ۗ مَنْ يَشَإِ اللَّهُ يُضْلِلْهُ وَمَنْ يَشَأْ يَجْعَلْهُ عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
Sila na nagtatakwil sa Aming Ayat (mga talata, kapahayagan, aral, katibayan, atbp.) ay mga bingi at pipi sa kadiliman. Si Allah ang nagsusugo sa pagkaligaw sa sinumang Kanyang maibigan at Siya ang namamatnubay sa Tuwid na Landas sa sinumang Kanyang naisin
قُلْ أَرَأَيْتَكُمْ إِنْ أَتَاكُمْ عَذَابُ اللَّهِ أَوْ أَتَتْكُمُ السَّاعَةُ أَغَيْرَ اللَّهِ تَدْعُونَ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Sabihin ninyo sa akin, kung ang kaparusahan ni Allah ay sumapit sa inyo, o ang oras ay dumatal sa inyo, kayo ba ay maninikluhod sa iba pa maliban kay Allah? (Magsitugon kayo) kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan!”

Choose other languages: