Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #25 Translated in Filipino

وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِآيَاتِهِ ۗ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الظَّالِمُونَ
At sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na kumakatha ng kasinungalingan laban kay Allah o nagtatakwil ng Kanyang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, talata, atbp.). Katotohanan, ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian) ay hindi kailanman magtatagumpay
وَيَوْمَ نَحْشُرُهُمْ جَمِيعًا ثُمَّ نَقُولُ لِلَّذِينَ أَشْرَكُوا أَيْنَ شُرَكَاؤُكُمُ الَّذِينَ كُنْتُمْ تَزْعُمُونَ
At sa Araw na sila ay Aming titipunin nang sama-sama, Aming ipagsasaysay sa kanila na nag-aakibat ng mga katambal sa pagsamba (sa Amin): “Nasaan ang inyong mga katambal (huwad na mga diyus-diyosan) na inyong ipinaggigiitan (bilang mga katambal sa pagsamba kay Allah)?”
ثُمَّ لَمْ تَكُنْ فِتْنَتُهُمْ إِلَّا أَنْ قَالُوا وَاللَّهِ رَبِّنَا مَا كُنَّا مُشْرِكِينَ
dito ay wala (nang malalabing) Fitnah (mga kadahilanan o pangungusap o pagtatalo) sa kanila kung hindi ang sabihin: “Sa (Ngalan) ni Allah, ang aming Panginoon, hindi kami ang nagtatambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah.”
انْظُرْ كَيْفَ كَذَبُوا عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ ۚ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَفْتَرُونَ
Pagmalasin! Kung paano sila nagsinungaling laban sa kanilang sarili! Datapuwa’t (ang kabulaanan) na kanilang kinatha ay maglalaho sa kanila
وَمِنْهُمْ مَنْ يَسْتَمِعُ إِلَيْكَ ۖ وَجَعَلْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ أَكِنَّةً أَنْ يَفْقَهُوهُ وَفِي آذَانِهِمْ وَقْرًا ۚ وَإِنْ يَرَوْا كُلَّ آيَةٍ لَا يُؤْمِنُوا بِهَا ۚ حَتَّىٰ إِذَا جَاءُوكَ يُجَادِلُونَكَ يَقُولُ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ هَٰذَا إِلَّا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ
At sa lipon nila ay may nakikinig sa iyo; datapuwa’t Kami ay naglagay ng lambong sa kanilang puso, upang sila ay hindi makaunawa, at ng pagkabingi sa kanilang mga tainga; at kung kanila (mang) makikita ang bawat isa sa Ayat (mga talata, kapahayagan, aral, katibayan, atbp.), sila ay hindi mananampalataya rito; hanggang sa puntong kung sila ay lumapit sa iyo upang makipagtalo, ang mga hindi sumasampalataya ay magsasabi: “Ito ay wala ng iba kundi mga kuwento lamang ng mga tao noong panahong sinauna.”

Choose other languages: