Surah Al-Anaam Ayahs #20 Translated in Filipino
مَنْ يُصْرَفْ عَنْهُ يَوْمَئِذٍ فَقَدْ رَحِمَهُ ۚ وَذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْمُبِينُ
Sa Araw na ito, kung ang kaparusahan ay pigilin sa sinuman, ito ay dahilan sa Habag ni Allah, at ito ay isang Dakilang Tagumpay
وَإِنْ يَمْسَسْكَ اللَّهُ بِضُرٍّ فَلَا كَاشِفَ لَهُ إِلَّا هُوَ ۖ وَإِنْ يَمْسَسْكَ بِخَيْرٍ فَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
At kung si Allah ay magkaloob sa inyo ng kapinsalaan, walang sinuman ang makapag-aalis nito maliban sa Kanya, at kung naisin Niya na gawaran kayo ng mabuti, kung gayon, Siya ay makakagawa ng lahat ng bagay
وَهُوَ الْقَاهِرُ فَوْقَ عِبَادِهِ ۚ وَهُوَ الْحَكِيمُ الْخَبِيرُ
At Siya ay hindi Matututulan, ang higit na Mataas sa Kanyang mga alipin, at Siya ay Puspos ng Karunungan, ang Ganap na Nakakaalam sa lahat ng bagay
قُلْ أَيُّ شَيْءٍ أَكْبَرُ شَهَادَةً ۖ قُلِ اللَّهُ ۖ شَهِيدٌ بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ ۚ وَأُوحِيَ إِلَيَّ هَٰذَا الْقُرْآنُ لِأُنْذِرَكُمْ بِهِ وَمَنْ بَلَغَ ۚ أَئِنَّكُمْ لَتَشْهَدُونَ أَنَّ مَعَ اللَّهِ آلِهَةً أُخْرَىٰ ۚ قُلْ لَا أَشْهَدُ ۚ قُلْ إِنَّمَا هُوَ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ وَإِنَّنِي بَرِيءٌ مِمَّا تُشْرِكُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Anong bagay ang higit na may halaga sa katibayan?” Ipagbadya: “Si Allah (ang Pinakadakila!) ay Saksi sa pagitan natin (kayo at ako); ang Qur’an na ito ay ipinahayag sa akin upang kayo ay aking mabigyan ng babala at sa kaninuman na daratnan nito. Kayo ba ay katotohanang magbibigay patotoo, na maliban pa kay Allah ay wala ng iba pang Aliha (mga diyos)? Ipagbadya: “Hindi! Ako ay hindi makapagpapatotoo!” Ipagbadya: “Datapuwa’t sa katotohanan, Siya (Allah) ay tanging nag-iisang Ilah (diyos). At katotohanang ako ay walang kaalaman sa anumang itinatambal ninyo sa pagsamba sa Kanya.”
الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يَعْرِفُونَهُ كَمَا يَعْرِفُونَ أَبْنَاءَهُمُ ۘ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ فَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ
Sila na Aming pinagkalooban ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), ay nakakakilala sa kanya (alalaong baga, kay Muhammad bilang isang Tagapagbalita ni Allah, at batid din nila na wala ng iba pang diyos maliban kay Allah, at ang Islam ang pananampalataya ni Allah), na kagaya ng pagkakilala nila sa kanilang mga anak. Ang mga nagwawasak sa kanilang sarili ay hindi mananampalataya
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
