Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #22 Translated in Filipino

وَهُوَ الْقَاهِرُ فَوْقَ عِبَادِهِ ۚ وَهُوَ الْحَكِيمُ الْخَبِيرُ
At Siya ay hindi Matututulan, ang higit na Mataas sa Kanyang mga alipin, at Siya ay Puspos ng Karunungan, ang Ganap na Nakakaalam sa lahat ng bagay
قُلْ أَيُّ شَيْءٍ أَكْبَرُ شَهَادَةً ۖ قُلِ اللَّهُ ۖ شَهِيدٌ بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ ۚ وَأُوحِيَ إِلَيَّ هَٰذَا الْقُرْآنُ لِأُنْذِرَكُمْ بِهِ وَمَنْ بَلَغَ ۚ أَئِنَّكُمْ لَتَشْهَدُونَ أَنَّ مَعَ اللَّهِ آلِهَةً أُخْرَىٰ ۚ قُلْ لَا أَشْهَدُ ۚ قُلْ إِنَّمَا هُوَ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ وَإِنَّنِي بَرِيءٌ مِمَّا تُشْرِكُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Anong bagay ang higit na may halaga sa katibayan?” Ipagbadya: “Si Allah (ang Pinakadakila!) ay Saksi sa pagitan natin (kayo at ako); ang Qur’an na ito ay ipinahayag sa akin upang kayo ay aking mabigyan ng babala at sa kaninuman na daratnan nito. Kayo ba ay katotohanang magbibigay patotoo, na maliban pa kay Allah ay wala ng iba pang Aliha (mga diyos)? Ipagbadya: “Hindi! Ako ay hindi makapagpapatotoo!” Ipagbadya: “Datapuwa’t sa katotohanan, Siya (Allah) ay tanging nag-iisang Ilah (diyos). At katotohanang ako ay walang kaalaman sa anumang itinatambal ninyo sa pagsamba sa Kanya.”
الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يَعْرِفُونَهُ كَمَا يَعْرِفُونَ أَبْنَاءَهُمُ ۘ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ فَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ
Sila na Aming pinagkalooban ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), ay nakakakilala sa kanya (alalaong baga, kay Muhammad bilang isang Tagapagbalita ni Allah, at batid din nila na wala ng iba pang diyos maliban kay Allah, at ang Islam ang pananampalataya ni Allah), na kagaya ng pagkakilala nila sa kanilang mga anak. Ang mga nagwawasak sa kanilang sarili ay hindi mananampalataya
وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِآيَاتِهِ ۗ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الظَّالِمُونَ
At sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na kumakatha ng kasinungalingan laban kay Allah o nagtatakwil ng Kanyang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, talata, atbp.). Katotohanan, ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian) ay hindi kailanman magtatagumpay
وَيَوْمَ نَحْشُرُهُمْ جَمِيعًا ثُمَّ نَقُولُ لِلَّذِينَ أَشْرَكُوا أَيْنَ شُرَكَاؤُكُمُ الَّذِينَ كُنْتُمْ تَزْعُمُونَ
At sa Araw na sila ay Aming titipunin nang sama-sama, Aming ipagsasaysay sa kanila na nag-aakibat ng mga katambal sa pagsamba (sa Amin): “Nasaan ang inyong mga katambal (huwad na mga diyus-diyosan) na inyong ipinaggigiitan (bilang mga katambal sa pagsamba kay Allah)?”

Choose other languages: