Quran Apps in many lanuages:

Surah Yunus Ayahs #11 Translated in Filipino

إِنَّ الَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَاءَنَا وَرَضُوا بِالْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَاطْمَأَنُّوا بِهَا وَالَّذِينَ هُمْ عَنْ آيَاتِنَا غَافِلُونَ
Katotohanan, sila na hindi umaasam ng pakikipagtipan sa Amin at nararahuyo at nasisiyahan lamang sa pangkasalukuyang buhay sa mundong ito, at hindi nagbibigay ng pagpapahalaga sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, talata, aral, atbp)
أُولَٰئِكَ مَأْوَاهُمُ النَّارُ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Ang kanilang hantungan ay Apoy, na siyang bunga ng kasamaan na kanilang kinita
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ يَهْدِيهِمْ رَبُّهُمْ بِإِيمَانِهِمْ ۖ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ فِي جَنَّاتِ النَّعِيمِ
Katotohanan, sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah, kaugnay na rin ang iba pang anim na artikulo ng Pananampalataya, alalaong baga, ang sumampalataya lamang kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Kasulatan, sa Kanyang mga Tagapagbalita, sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at sa Al- Qadar [Banal na Kasasapitan] at sa Islam), at nagsisigawa ng kabutihan, ang kanilang Panginoon ang mamamatnubay sa kanilang Pananalig; sa kanilang ibaba ay magsisidaloy ang mga ilog sa Hardin ng Kasiyahan (Paraiso)
دَعْوَاهُمْ فِيهَا سُبْحَانَكَ اللَّهُمَّ وَتَحِيَّتُهُمْ فِيهَا سَلَامٌ ۚ وَآخِرُ دَعْوَاهُمْ أَنِ الْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ
Ang kanilang panambitan dito ay: “Subhanaka Allahumma (Luwalhatiin Kayo, O Allah)!” at “Salamun (Kapayapaan)” ang kanilang magiging batian dito (sa Paraiso), at ang pinakamalapit sa kanilang panambitan ay: “Alhamdu Lillahi Rabb-il Alamin (Ang lahat ng mga pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah, ang Tagapanustos at Tagapagtangkilik ng lahat ng mga nilalang)!”
وَلَوْ يُعَجِّلُ اللَّهُ لِلنَّاسِ الشَّرَّ اسْتِعْجَالَهُمْ بِالْخَيْرِ لَقُضِيَ إِلَيْهِمْ أَجَلُهُمْ ۖ فَنَذَرُ الَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَاءَنَا فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ
At kung mamadaliin lamang ni Allah para sa sangkatauhan ang kasamaan (na kanilang kinita), kung paano nila minamadali ang mabuti, ang kanilang palugit (o hantungan) ay naigawad na noon pa. Datapuwa’t hinayaan Namin ang mga tao na hindi umaasa ng pakikipagtipan sa Amin, sa kanilang mga pagsuway, na gumagala rito at doon sa pagkaguliham

Choose other languages: