Quran Apps in many lanuages:

Surah Yunus Ayahs #23 Translated in Filipino

وَمَا كَانَ النَّاسُ إِلَّا أُمَّةً وَاحِدَةً فَاخْتَلَفُوا ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِنْ رَبِّكَ لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ فِيمَا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ
Ang sangkatauhan (noon) ay isa lamang pamayanan (alalaong baga, may isang paniniwala lamang sa nag- iisang Diyos, at sa isang relihiyon, ang Islam), datapuwa’t sila ay nagkahidwa-hidwa nang lumaon. At kung hindi (lamang) sa Salita na ipinarating noong una mula sa inyong Panginoon, ang kanilang pagkakahidwa-hidwa ay naayos na sana sa kani-kanilang sarili tungkol sa bagay na hindi nila pinagkakasunduan
وَيَقُولُونَ لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۖ فَقُلْ إِنَّمَا الْغَيْبُ لِلَّهِ فَانْتَظِرُوا إِنِّي مَعَكُمْ مِنَ الْمُنْتَظِرِينَ
At sila ay nagsasabi: “Bakit kaya hindi ipinanaog sa kanya ang anumang Tanda mula sa kanyang Panginoon?” Ipagbadya: “Ang bagay na nalilingid ay angkin lamang ni Allah. Kaya’t kayo ay maghintay; ako rin ay maghihintay na kasama ninyo (sa paghuhukom ni Allah).”
وَإِذَا أَذَقْنَا النَّاسَ رَحْمَةً مِنْ بَعْدِ ضَرَّاءَ مَسَّتْهُمْ إِذَا لَهُمْ مَكْرٌ فِي آيَاتِنَا ۚ قُلِ اللَّهُ أَسْرَعُ مَكْرًا ۚ إِنَّ رُسُلَنَا يَكْتُبُونَ مَا تَمْكُرُونَ
At nang hinayaan Naming lumasap ang sangkatauhan ng habag (mula sa Amin) matapos ang kagipitan ay dumatal sa kanila, (inyong) pagmasdan! Sila ay nagbabalak (ng masama) laban sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, talata, aral, atbp.)! Ipagbadya: “Si Allah ay higit na Maagap sa pagbabalak!” Katotohanan, ang Aming mga Tagapagbalita (mga anghel) ay nagtatala ng lahat ng inyong binabalak
هُوَ الَّذِي يُسَيِّرُكُمْ فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا كُنْتُمْ فِي الْفُلْكِ وَجَرَيْنَ بِهِمْ بِرِيحٍ طَيِّبَةٍ وَفَرِحُوا بِهَا جَاءَتْهَا رِيحٌ عَاصِفٌ وَجَاءَهُمُ الْمَوْجُ مِنْ كُلِّ مَكَانٍ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ أُحِيطَ بِهِمْ ۙ دَعَوُا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ لَئِنْ أَنْجَيْتَنَا مِنْ هَٰذِهِ لَنَكُونَنَّ مِنَ الشَّاكِرِينَ
Siya (Allah) ang nagpapahintulot upang matahak ninyo ang kalupaan at karagatan, at nang kayo ay nakasakay na sa barko, kayo ay naglalayag sa kaaya-ayang ihip ng hangin, at kayo ay nagsisipagsaya dahil dito. Datapuwa’t nang dumating ang nag-aalimpuyong hangin at mga malalaking alon sa kanilang paligid, at nang napag-akala nila na sila ay lalagumin na (ng dagat) ay pinanikluhuran nila si Allah nang matapat at dalisay na pananampalataya na tangi lamang sa Kanya, na nagsasabi: “Kung kami ay Inyong ililigtas, kami ay tunay na tatanaw ng utang na loob ng pasasalamat!”
فَلَمَّا أَنْجَاهُمْ إِذَا هُمْ يَبْغُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ ۗ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنَّمَا بَغْيُكُمْ عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ ۖ مَتَاعَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ ثُمَّ إِلَيْنَا مَرْجِعُكُمْ فَنُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
Datapuwa’t nang sila ay mailigtas na Niya, (inyong) pagmasdan! Sila ay nagsilabag (sa pag-uutos ni Allah) sa kalupaan, sa pagsuway sa katuwiran! o sangkatauhan! Ang inyong paghihimagsik (pagsuway kay Allah) ay isa lamang kasahulan ng inyong sariling kaluluwa, - isang maigsing pananagana sa pangkasalukuyang buhay sa mundong ito, (at sa katapusan), sa Amin ang inyong pagbabalik, at ipamamalas Namin sa inyo ang katotohanan ng inyong ginawa

Choose other languages: