Surah Yunus Ayahs #108 Translated in Filipino
قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنْ كُنْتُمْ فِي شَكٍّ مِنْ دِينِي فَلَا أَعْبُدُ الَّذِينَ تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلَٰكِنْ أَعْبُدُ اللَّهَ الَّذِي يَتَوَفَّاكُمْ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “o kayong sangkatauhan! Kung kayo ay nag-aalinlangan sa aking relihiyon (Islam), kung gayon, inyong maalaman na kailanman ay hindi ko sasambahin ang inyong sinasamba maliban lamang kay Allah. Datapuwa’t sinasamba ko si Allah na nagkakaloob sa inyo ng kamatayan, at ako ay pinag-utusan na maging isa sa mga nananampalataya.”
وَأَنْ أَقِمْ وَجْهَكَ لِلدِّينِ حَنِيفًا وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُشْرِكِينَ
(At ito ay ipinahayag sa akin): “Ituon mo ang iyong mukha (o Muhammad) nang lubos sa relihiyong Hanifan (Kaisahan ni Allah at Pagsamba lamang sa Kanya, sa Islam), at ikaw kailanman ay huwag mapabilang sa Mushrikun (mga sumasamba sa maraming diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.).”
وَلَا تَدْعُ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُكَ وَلَا يَضُرُّكَ ۖ فَإِنْ فَعَلْتَ فَإِنَّكَ إِذًا مِنَ الظَّالِمِينَ
At huwag kang manawagan sa mga iba pa na kasama si Allah, sila na hindi makakapagbigay sa iyo ng kapakinabangan, at hindi rin makakapagbigay sa iyo ng kasahulan, datapuwa’t kung ito ay iyong gawin, walang pagsala na ikaw ay magiging isa sa Zalimun (mga buktot, mapaggawa ng mga kamalian, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, atbp)
وَإِنْ يَمْسَسْكَ اللَّهُ بِضُرٍّ فَلَا كَاشِفَ لَهُ إِلَّا هُوَ ۖ وَإِنْ يُرِدْكَ بِخَيْرٍ فَلَا رَادَّ لِفَضْلِهِ ۚ يُصِيبُ بِهِ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۚ وَهُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ
At kung si Allah ay maggawad sa iyo ng kasakitan, walang sinuman ang makakapawi nito maliban sa Kanya, at kung naisin Niya ang anumang kabutihan sa iyo, walang sinuman ang makakahadlang sa Kanyang biyaya na Kanyang ipinararating sa sinuman sa Kanyang mga alipin na Kanyang maibigan. At Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَكُمُ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ فَمَنِ اهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِي لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا ۖ وَمَا أَنَا عَلَيْكُمْ بِوَكِيلٍ
Ipagbadya: “o kayong sangkatauhan! Ngayon, ang Katotohanan (alalaong baga, ang Qur’an at si Propeta Muhammad) ay dumatal sa inyo mula sa inyong Panginoon. Kaya’t kung sinuman ang tumanggap ng patnubay, ginawa niya ito tungo sa kapakanan ng kanyang sarili, at kung sinuman ang maligaw, ginawa niya ito tungo sa kasahulan ng kanyang sarili, at ako (Muhammad) ay hindi itinalaga sa inyo bilang isang wakil (na makakapamatnubay sa inyo upang pilitin kayo na mapatnubayan).”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
