Quran Apps in many lanuages:

Surah Saba Ayahs #49 Translated in Filipino

وَكَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ وَمَا بَلَغُوا مِعْشَارَ مَا آتَيْنَاهُمْ فَكَذَّبُوا رُسُلِي ۖ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيرِ
At sila na nauna sa kanila ay nagpasinungaling (sa katotohanan), sila ay hindi nagsitanggap maging ng ikasampung bahagi (1/10) ng mga iginawad Namin sa kanila (noong una); datapuwa’t sila ay nagpabulaan sa Aking mga Tagapagbalita, kaya’t (pagmasdan) kung gaano katindi ang Aking kaparusahan
قُلْ إِنَّمَا أَعِظُكُمْ بِوَاحِدَةٍ ۖ أَنْ تَقُومُوا لِلَّهِ مَثْنَىٰ وَفُرَادَىٰ ثُمَّ تَتَفَكَّرُوا ۚ مَا بِصَاحِبِكُمْ مِنْ جِنَّةٍ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا نَذِيرٌ لَكُمْ بَيْنَ يَدَيْ عَذَابٍ شَدِيدٍ
Ipagbadya sa kanila (O Muhammad): “Kayo ay aking pinaaalalahanan sa isang (bagay) lamang; na kayo ay magsitindig sa harapan ni Allah maging (kayo) ay dalawa o nag-iisa; at magsipagmuni-muni (kayo sa inyong sarili, sa nagingbuhayng Propeta), anginyong Kasama(Muhammad) ay hindi inaalihan (ng demonyo); siya ay hindi hihigit pa sa isang tagapagbabala, (upang paalalahanan kayo) sa harapan ng kasakit-sakit na kaparusahan.”
قُلْ مَا سَأَلْتُكُمْ مِنْ أَجْرٍ فَهُوَ لَكُمْ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَى اللَّهِ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ang anumang kabayaran (o gantimpala) na aking hiniling sa inyo ay sa inyo; ang aking gantimpala ay mula kay Allah lamang; at Siya ang Saksi sa lahat ng bagay.”
قُلْ إِنَّ رَبِّي يَقْذِفُ بِالْحَقِّ عَلَّامُ الْغُيُوبِ
Ipagbadya (O Muhammad): “Katotohanan! Ang aking Panginoon ay nagpapanaog ng inspirasyon upang maging maliwanag ang Katotohanan (alalaong baga, ang Kapahayagan na dumatal sa akin); Siya ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng nalilingid.”
قُلْ جَاءَ الْحَقُّ وَمَا يُبْدِئُ الْبَاطِلُ وَمَا يُعِيدُ
Ipagbadya (O Muhammad): “Ang Katotohanan (ang Qur’an at inspirasyon mula kay Allah) ay dumatal na at ang Al- Batil (kasinungalingan, kabulaanan, Satanas o Iblis) ay hindi makakagawa ng anuman o makapagbabalik ng buhay (ng anuman).”

Choose other languages: