Surah Saba Ayahs #52 Translated in Filipino
قُلْ إِنَّ رَبِّي يَقْذِفُ بِالْحَقِّ عَلَّامُ الْغُيُوبِ
Ipagbadya (O Muhammad): “Katotohanan! Ang aking Panginoon ay nagpapanaog ng inspirasyon upang maging maliwanag ang Katotohanan (alalaong baga, ang Kapahayagan na dumatal sa akin); Siya ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng nalilingid.”
قُلْ جَاءَ الْحَقُّ وَمَا يُبْدِئُ الْبَاطِلُ وَمَا يُعِيدُ
Ipagbadya (O Muhammad): “Ang Katotohanan (ang Qur’an at inspirasyon mula kay Allah) ay dumatal na at ang Al- Batil (kasinungalingan, kabulaanan, Satanas o Iblis) ay hindi makakagawa ng anuman o makapagbabalik ng buhay (ng anuman).”
قُلْ إِنْ ضَلَلْتُ فَإِنَّمَا أَضِلُّ عَلَىٰ نَفْسِي ۖ وَإِنِ اهْتَدَيْتُ فَبِمَا يُوحِي إِلَيَّ رَبِّي ۚ إِنَّهُ سَمِيعٌ قَرِيبٌ
Ipagbadya: “Kung ako (man) ay naliligaw, ako ay maliligaw lamang sa kapariwaraan ng aking sariling kaluluwa; datapuwa’t kung ako ay patuloy na napapatnubayan; ito ay dahilan sa inspirasyon na ipinagkaloob sa akin ng aking Panginoon; katotohanang Siya ang Ganap na Nakakarinig at Laging Malapit (sa lahat ng bagay).”
وَلَوْ تَرَىٰ إِذْ فَزِعُوا فَلَا فَوْتَ وَأُخِذُوا مِنْ مَكَانٍ قَرِيبٍ
Kung inyo lamang mapagmamasdan sa sandaling sila ay magimbal sa pagkatakot, datapuwa’t (sila) ay walang matatakasan, at sila ay sasakmalin mula sa malapit na lugar
وَقَالُوا آمَنَّا بِهِ وَأَنَّىٰ لَهُمُ التَّنَاوُشُ مِنْ مَكَانٍ بَعِيدٍ
At sila ay magsasabi (sa Kabilang Buhay): “Kami ay sumasampalataya (na ngayon) sa (katotohanan); datapuwa’t paano nila matatanggap (ang Pananampalataya at ang pagdinig ni Allah sa kanilang pagtitika), sa pook ng katayuan na lubhang malayo (alalaong baga, ang muling makabalik sa dating buhay sa mundo)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
