Quran Apps in many lanuages:

Surah Saba Ayahs #28 Translated in Filipino

قُلْ مَنْ يَرْزُقُكُمْ مِنَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ قُلِ اللَّهُ ۖ وَإِنَّا أَوْ إِيَّاكُمْ لَعَلَىٰ هُدًى أَوْ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
Ipagbadya (o Muhammad, sa kanila na mga pagano at mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.): “Sino ang nagbigay sa inyo ng pagkain (at panustos) mula sa kalangitan at kalupaan?” Ipagbadya: “Si Allah; at katiyakan na maaaring kami o kayo ang nasa tamang patnubay o sa maliwanag na kamalian!”
قُلْ لَا تُسْأَلُونَ عَمَّا أَجْرَمْنَا وَلَا نُسْأَلُ عَمَّا تَعْمَلُونَ
Ipagbadya (o Muhammad, sa kanila na mga pagano at mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.): “Ikaw ay hindi tatanungin hinggil sa aming mga kasalanan, at gayundin, kami ay hindi tatanungin tungkol sa inyong ginawa.”
قُلْ يَجْمَعُ بَيْنَنَا رَبُّنَا ثُمَّ يَفْتَحُ بَيْنَنَا بِالْحَقِّ وَهُوَ الْفَتَّاحُ الْعَلِيمُ
Ipagbadya: “Ang ating Panginoon ang magtitipon sa atin nang sama-sama (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), at sa katapusan, Siya ang magpapasya sa mga bagay sa pagitan natin, sa katotohanan at katarungan; at Siya ang Tanging Magpapasya, ang Tanging Hukom na Tigib ng Kaalaman.”
قُلْ أَرُونِيَ الَّذِينَ أَلْحَقْتُمْ بِهِ شُرَكَاءَ ۖ كَلَّا ۚ بَلْ هُوَ اللَّهُ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Ipagbadya (o Muhammad, sa kanila na mga pagano at mapagsamba sa mga diyus-diyosan): “Ipakita ninyo sa akin, sila na inyong iniaakibat bilang mga katambal sa Kanya. Hindi, (walang anumang katambal Siya sa anumang kaparaanan)! Datapuwa’t (tanging) Siya si Allah, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Sukdol sa Karunungan.”
وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا كَافَّةً لِلنَّاسِ بَشِيرًا وَنَذِيرًا وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ
At ikaw (o Muhammad) ay hindi Namin isinugo maliban na isang Tagapagbalita sa buong sangkatauhan, na magbibigay sa kanila ng masayang balita, at isang Tagapagbabala sa kanila (sa kasalanan), datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman

Choose other languages: