Surah Saba Ayahs #23 Translated in Filipino
فَقَالُوا رَبَّنَا بَاعِدْ بَيْنَ أَسْفَارِنَا وَظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ فَجَعَلْنَاهُمْ أَحَادِيثَ وَمَزَّقْنَاهُمْ كُلَّ مُمَزَّقٍ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ
Datapuwa’t sila ay nagsabi: “Aming Panginoon! Gawin Ninyong ang mga antas sa pagitan ng aming paglalakbay ay mahahaba,” at ipinahamak nila ang kanilang sarili sa pagkakamali, kaya’t Aming ginawa silang mga kuwento (sa kalupaan), at Aming itinaboy silang lahat na ganap na nakakalat. Katotohanang naririto ang tunay na mga Tanda sa mga matitiyaga at may pasasalamat (na tao)
وَلَقَدْ صَدَّقَ عَلَيْهِمْ إِبْلِيسُ ظَنَّهُ فَاتَّبَعُوهُ إِلَّا فَرِيقًا مِنَ الْمُؤْمِنِينَ
At katotohanang si Iblis (Satanas) ang nagpatunay kung ano ang kanyang akala sa kanila, at sila ay sumunod sa kanya (Satanas), lahat sila, maliban sa isang lipon ng mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah)
وَمَا كَانَ لَهُ عَلَيْهِمْ مِنْ سُلْطَانٍ إِلَّا لِنَعْلَمَ مَنْ يُؤْمِنُ بِالْآخِرَةِ مِمَّنْ هُوَ مِنْهَا فِي شَكٍّ ۗ وَرَبُّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ حَفِيظٌ
At siya (si Iblis o si Satanas) ay walang kapamahalaan sa kanila, - maliban na Aming masubukan ang tao, na sumasampalataya sa Kabilang Buhay mula sa kanya na may pag-aalinlangan tungkol dito. At ang iyong Panginoon ay isang Hafiz sa lahat ng bagay (ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng bagay, alalaong baga, Siya ang nagtatangan ng Talaan ng bawat isang tao hinggil sa kanyang mga gawa at Siya ang magbibigay ng gantimpala sa kanila ayon sa kanilang ginawa)
قُلِ ادْعُوا الَّذِينَ زَعَمْتُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ لَا يَمْلِكُونَ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ وَمَا لَهُمْ فِيهِمَا مِنْ شِرْكٍ وَمَا لَهُ مِنْهُمْ مِنْ ظَهِيرٍ
Ipagbadya (o Muhammad, sa kanila na mga pagano at mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.): “Inyong tawagan sila na inyong mga (diyus-diyosan) na inyong pinapangarap (at iniaakibat) maliban pa kay Allah; sila ay walang kapangyarihan, sila ay hindi nag-aangkin kahit na isang timbang ng atomo (o isang maliit na langgam), - maging sa kalangitan at kalupaan, at wala rin silang kahati sa alinman, at wala rin Siyang anumang kawaksi mula sa kanila
وَلَا تَنْفَعُ الشَّفَاعَةُ عِنْدَهُ إِلَّا لِمَنْ أَذِنَ لَهُ ۚ حَتَّىٰ إِذَا فُزِّعَ عَنْ قُلُوبِهِمْ قَالُوا مَاذَا قَالَ رَبُّكُمْ ۖ قَالُوا الْحَقَّ ۖ وَهُوَ الْعَلِيُّ الْكَبِيرُ
At ang anumang pamamagitan sa Kanya ay hindi magbibigay ng kapakinabangan, maliban sa kanila na binigyan Niya ng pahintulot. Hanggang kung ang pangamba ay mawaksi sa kanilang (mga anghel) puso, sila (mga anghel) ay nagsasabi: “Ano nga ang sinabi ng inyong Panginoon?” Sila ay magsasabi: “Ang Katotohanan”. At Siya ang Kataas-taasan, ang Pinakadakila
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
