Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #77 Translated in Filipino

وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ قَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلَّذِينَ آمَنُوا أَيُّ الْفَرِيقَيْنِ خَيْرٌ مَقَامًا وَأَحْسَنُ نَدِيًّا
At kung ang Aming Malilinaw na mga Talata ay ipinapahayag sa kanila, sila na hindi sumasampalataya (ang mga mayayaman at malalakas sa lipon ng mga paganong Quraish na namumuhay sa kariwasaan at luho) ay nagsasabi sa mga sumasampalataya (ang mga mahihina, mga mahihirap na kasamahan ni Propeta Muhammad na naghihikahos sa buhay): “Alin sa dalawang pangkat (alalaong baga, ang mga sumasampalataya at hindi nananampalataya) ang pinakamainam (sa punto) ng tungkulin, at gayundin kung tungkol sa himpilan (lugar ng kapulungan sa pagsasanggunian)
وَكَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُمْ مِنْ قَرْنٍ هُمْ أَحْسَنُ أَثَاثًا وَرِئْيًا
At gaano na karaming henerasyon (mga unang pamayanan o mga bansa) ang Amin nang winasak na una pa sa kanila, na higit na mainam sa kayamanan, mga kalakal at panlabas na anyo?”
قُلْ مَنْ كَانَ فِي الضَّلَالَةِ فَلْيَمْدُدْ لَهُ الرَّحْمَٰنُ مَدًّا ۚ حَتَّىٰ إِذَا رَأَوْا مَا يُوعَدُونَ إِمَّا الْعَذَابَ وَإِمَّا السَّاعَةَ فَسَيَعْلَمُونَ مَنْ هُوَ شَرٌّ مَكَانًا وَأَضْعَفُ جُنْدًا
Ipagbadya (o Muhammad) sa sinumang nasa kamalian; ang Pinakamapagbigay (Allah) ay mag-aabot sa kanya (ng lubid), hanggang sa kanilang makita ang bagay na sa kanila ay ipinangako, maaaring ang kaparusahan o ang oras, - at kanilang mapag-aalaman kung sino ang nasa pinakamasamang kalagayan, at kung sino ang mahina sa lakas (o sandatahan). [Ito ang sagot sa talata bilang]
وَيَزِيدُ اللَّهُ الَّذِينَ اهْتَدَوْا هُدًى ۗ وَالْبَاقِيَاتُ الصَّالِحَاتُ خَيْرٌ عِنْدَ رَبِّكَ ثَوَابًا وَخَيْرٌ مَرَدًّا
At si Allah ang nagdaragdag ng patnubay sa kanila na lumalakad nang matuwid (tunay na nananalig sa Kaisahan ni Allah, na nangangamba kay Allah ng labis at umiiwas sa paggawa ng lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at higit na nagmamahal kay allah sa paggawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos). At ang mabubuting gawa na nagtatagal ay higit na mainam sa Paningin ng iyong Panginoon, para sa gantimpala at higit na mabuti sa pagpapala
أَفَرَأَيْتَ الَّذِي كَفَرَ بِآيَاتِنَا وَقَالَ لَأُوتَيَنَّ مَالًا وَوَلَدًا
NapagmamasdanmobasiyananagpapabulaansaAming Ayat (sa Qur’an, at kay Muhammad) at (magkagayunman) ay nagsasabi: “Katiyakang ako ay bibigyan ng kayamanan at mga anak (kung ako ay muling bubuhayin)”

Choose other languages: