Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #58 Translated in Filipino

وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ إِسْمَاعِيلَ ۚ إِنَّهُ كَانَ صَادِقَ الْوَعْدِ وَكَانَ رَسُولًا نَبِيًّا
At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Ismail. Katotohanang siya ay tapat sa kanyang pangako, siya ay isang Tagapagbalita, (at) isang Propeta
وَكَانَ يَأْمُرُ أَهْلَهُ بِالصَّلَاةِ وَالزَّكَاةِ وَكَانَ عِنْدَ رَبِّهِ مَرْضِيًّا
At siya ay palagi nang nagtatagubilin sa kanyang pamilya at sa kanyang pamayanan ng As-Salah (alalaong baga, nag-uutos sa kanila na mag-alay ng dasal nang mahinusay), at ng Zakah (alalaong baga, ang magbayad ng katungkulang kawanggawa), at ang kanyang Panginoon ay nalulugod sa kanya
وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ إِدْرِيسَ ۚ إِنَّهُ كَانَ صِدِّيقًا نَبِيًّا
At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Idris (Enoch). Katotohanang siya ay isang tao ng katotohanan, (at) isang Propeta
وَرَفَعْنَاهُ مَكَانًا عَلِيًّا
At Aming itinanghal siya sa mataas na himpilan
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مِنَ النَّبِيِّينَ مِنْ ذُرِّيَّةِ آدَمَ وَمِمَّنْ حَمَلْنَا مَعَ نُوحٍ وَمِنْ ذُرِّيَّةِ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْرَائِيلَ وَمِمَّنْ هَدَيْنَا وَاجْتَبَيْنَا ۚ إِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُ الرَّحْمَٰنِ خَرُّوا سُجَّدًا وَبُكِيًّا ۩
Sila nga ang pinagkalooban ni Allah ng Kanyang Biyaya sa lipon ng mga propeta, mula sa mga supling ni Adan, at sila na Aming tinangkilik (sa Barko o Arko) na kasama ni Noe, at sa mga supling ni Abraham at Israel, at mula sa lipon na Aming pinatnubayan at hinirang. Kung ang mga Talata (ng kapahayagan) ng Pinakamapagbigay (Allah) ay dinadalit sa kanila, sila ay nangangayupapa sa pagpapatirapa at pagtangis

Choose other languages: