Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #60 Translated in Filipino

وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ إِدْرِيسَ ۚ إِنَّهُ كَانَ صِدِّيقًا نَبِيًّا
At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Idris (Enoch). Katotohanang siya ay isang tao ng katotohanan, (at) isang Propeta
وَرَفَعْنَاهُ مَكَانًا عَلِيًّا
At Aming itinanghal siya sa mataas na himpilan
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مِنَ النَّبِيِّينَ مِنْ ذُرِّيَّةِ آدَمَ وَمِمَّنْ حَمَلْنَا مَعَ نُوحٍ وَمِنْ ذُرِّيَّةِ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْرَائِيلَ وَمِمَّنْ هَدَيْنَا وَاجْتَبَيْنَا ۚ إِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُ الرَّحْمَٰنِ خَرُّوا سُجَّدًا وَبُكِيًّا ۩
Sila nga ang pinagkalooban ni Allah ng Kanyang Biyaya sa lipon ng mga propeta, mula sa mga supling ni Adan, at sila na Aming tinangkilik (sa Barko o Arko) na kasama ni Noe, at sa mga supling ni Abraham at Israel, at mula sa lipon na Aming pinatnubayan at hinirang. Kung ang mga Talata (ng kapahayagan) ng Pinakamapagbigay (Allah) ay dinadalit sa kanila, sila ay nangangayupapa sa pagpapatirapa at pagtangis
فَخَلَفَ مِنْ بَعْدِهِمْ خَلْفٌ أَضَاعُوا الصَّلَاةَ وَاتَّبَعُوا الشَّهَوَاتِ ۖ فَسَوْفَ يَلْقَوْنَ غَيًّا
At may sumunod sa kanila na mga sali’t saling lahi na nagpabaya sa kanilang pagdalangin (alalaong baga, hinayaan nila ang kanilang pagdarasal na mawalan ng saysay, maaaring ito ay hindi pag-aalay ng dasal o hindi pag-aalay nito nang ganap at mahinusay o wala sa takdang oras, atbp.), at sumunod sa (kanilang) mga pagnanasa (mga buktot na gawain at pag-iimbot). Kaya’t sila ay ihahagis sa Impiyerno
إِلَّا مَنْ تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ وَلَا يُظْلَمُونَ شَيْئًا
Maliban sa kanila na nagtitika at sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad), at nagsisigawa ng kabutihan. Sila nga ang papasok sa Paraiso at sila ay hindi bibigyan ng kamalian (o kawalan ng katarungan), kahit na katiting

Choose other languages: