Surah Maryam Ayahs #62 Translated in Filipino
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مِنَ النَّبِيِّينَ مِنْ ذُرِّيَّةِ آدَمَ وَمِمَّنْ حَمَلْنَا مَعَ نُوحٍ وَمِنْ ذُرِّيَّةِ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْرَائِيلَ وَمِمَّنْ هَدَيْنَا وَاجْتَبَيْنَا ۚ إِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُ الرَّحْمَٰنِ خَرُّوا سُجَّدًا وَبُكِيًّا ۩
Sila nga ang pinagkalooban ni Allah ng Kanyang Biyaya sa lipon ng mga propeta, mula sa mga supling ni Adan, at sila na Aming tinangkilik (sa Barko o Arko) na kasama ni Noe, at sa mga supling ni Abraham at Israel, at mula sa lipon na Aming pinatnubayan at hinirang. Kung ang mga Talata (ng kapahayagan) ng Pinakamapagbigay (Allah) ay dinadalit sa kanila, sila ay nangangayupapa sa pagpapatirapa at pagtangis
فَخَلَفَ مِنْ بَعْدِهِمْ خَلْفٌ أَضَاعُوا الصَّلَاةَ وَاتَّبَعُوا الشَّهَوَاتِ ۖ فَسَوْفَ يَلْقَوْنَ غَيًّا
At may sumunod sa kanila na mga sali’t saling lahi na nagpabaya sa kanilang pagdalangin (alalaong baga, hinayaan nila ang kanilang pagdarasal na mawalan ng saysay, maaaring ito ay hindi pag-aalay ng dasal o hindi pag-aalay nito nang ganap at mahinusay o wala sa takdang oras, atbp.), at sumunod sa (kanilang) mga pagnanasa (mga buktot na gawain at pag-iimbot). Kaya’t sila ay ihahagis sa Impiyerno
إِلَّا مَنْ تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ وَلَا يُظْلَمُونَ شَيْئًا
Maliban sa kanila na nagtitika at sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad), at nagsisigawa ng kabutihan. Sila nga ang papasok sa Paraiso at sila ay hindi bibigyan ng kamalian (o kawalan ng katarungan), kahit na katiting
جَنَّاتِ عَدْنٍ الَّتِي وَعَدَ الرَّحْمَٰنُ عِبَادَهُ بِالْغَيْبِ ۚ إِنَّهُ كَانَ وَعْدُهُ مَأْتِيًّا
(Sila ay magsisipasok) sa Walang Hanggang Halamanan (Paraiso), na ipinangako sa Lingid ng Pinakamapagbigay (Allah) sa Kanyang mga alipin. Katotohanan, ang Kanyang pangako ay magaganap
لَا يَسْمَعُونَ فِيهَا لَغْوًا إِلَّا سَلَامًا ۖ وَلَهُمْ رِزْقُهُمْ فِيهَا بُكْرَةً وَعَشِيًّا
Sila ay hindi makakarinig dito (sa Paraiso) ng anumang walang saysay na pag-uusap, bagkus ay Salam lamang (ang pagbati ng Kapayapaan). At sasakanila rito ang panustos na ikabubuhay sa umaga at sa hapon
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
