Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #19 Translated in Filipino

وَسَلَامٌ عَلَيْهِ يَوْمَ وُلِدَ وَيَوْمَ يَمُوتُ وَيَوْمَ يُبْعَثُ حَيًّا
At Salamun (Kapayapaan) sa kanya sa araw na siya ay ipinanganak, sa araw na siya ay mamamatay, at sa araw na siya ay muling ibabangon sa pagkabuhay
وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ مَرْيَمَ إِذِ انْتَبَذَتْ مِنْ أَهْلِهَا مَكَانًا شَرْقِيًّا
At banggitin sa Aklat (sa Qur’an, O Muhammad ang kasaysayan) ni Maria, nang siya ay humiwalay (muna) at mapag-isa (na malayo) sa kanyang pamilya sa isang lugar sa gawing silangan
فَاتَّخَذَتْ مِنْ دُونِهِمْ حِجَابًا فَأَرْسَلْنَا إِلَيْهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرًا سَوِيًّا
Siya ay naglagay ng lambong (upang pangalagaan ang kanyang sarili) sa kanila; at Aming isinugo sa kanya ang Aming ruh (ang Anghel na si Gabriel), at siya ay tumambad sa harap niya sa anyo ng isang ganap na tao
قَالَتْ إِنِّي أَعُوذُ بِالرَّحْمَٰنِ مِنْكَ إِنْ كُنْتَ تَقِيًّا
Siya (Maria) ay nagsabi: “Katotohanang ako ay humihingi ng kaligtasan mula sa Pinakamapagbigay (Allah) [laban] sa iyo, kung ikaw ay may pangangamba kay Allah.”
قَالَ إِنَّمَا أَنَا رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَامًا زَكِيًّا
(Ang Anghel) ay nagpahayag: “Ako ay isa lamang Tagapagbalita mula sa iyong Panginoon, (upang ibalita) sa iyo ang handog ng isang matuwid na anak na lalaki.”

Choose other languages: