Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #21 Translated in Filipino

فَاتَّخَذَتْ مِنْ دُونِهِمْ حِجَابًا فَأَرْسَلْنَا إِلَيْهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرًا سَوِيًّا
Siya ay naglagay ng lambong (upang pangalagaan ang kanyang sarili) sa kanila; at Aming isinugo sa kanya ang Aming ruh (ang Anghel na si Gabriel), at siya ay tumambad sa harap niya sa anyo ng isang ganap na tao
قَالَتْ إِنِّي أَعُوذُ بِالرَّحْمَٰنِ مِنْكَ إِنْ كُنْتَ تَقِيًّا
Siya (Maria) ay nagsabi: “Katotohanang ako ay humihingi ng kaligtasan mula sa Pinakamapagbigay (Allah) [laban] sa iyo, kung ikaw ay may pangangamba kay Allah.”
قَالَ إِنَّمَا أَنَا رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَامًا زَكِيًّا
(Ang Anghel) ay nagpahayag: “Ako ay isa lamang Tagapagbalita mula sa iyong Panginoon, (upang ibalita) sa iyo ang handog ng isang matuwid na anak na lalaki.”
قَالَتْ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَامٌ وَلَمْ يَمْسَسْنِي بَشَرٌ وَلَمْ أَكُ بَغِيًّا
Siya (Maria) ay nagsabi: “Paano ako magkakaroon ng anak na lalaki gayong wala pang lalaki ang nakasaling sa akin, gayundin, ako ay isang malinis (na babae)?”
قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٌ ۖ وَلِنَجْعَلَهُ آيَةً لِلنَّاسِ وَرَحْمَةً مِنَّا ۚ وَكَانَ أَمْرًا مَقْضِيًّا
Siya (Gabriel) ay nagpahayag: “Mangyari nga (at ito ay magaganap)”, ang iyong Panginoon ang nagwika: “Ito ay magaan sa Akin (Allah): At (nais Namin) na italaga siya (anak na lalaki) bilang isang Tanda sa sangkatauhan at isang Habag mula sa Amin (Allah), at ito ay isang bagay (na napagpasyahan na) sa pag-uutos (ni Allah).”

Choose other languages: