Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #24 Translated in Filipino

قَالَتْ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَامٌ وَلَمْ يَمْسَسْنِي بَشَرٌ وَلَمْ أَكُ بَغِيًّا
Siya (Maria) ay nagsabi: “Paano ako magkakaroon ng anak na lalaki gayong wala pang lalaki ang nakasaling sa akin, gayundin, ako ay isang malinis (na babae)?”
قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٌ ۖ وَلِنَجْعَلَهُ آيَةً لِلنَّاسِ وَرَحْمَةً مِنَّا ۚ وَكَانَ أَمْرًا مَقْضِيًّا
Siya (Gabriel) ay nagpahayag: “Mangyari nga (at ito ay magaganap)”, ang iyong Panginoon ang nagwika: “Ito ay magaan sa Akin (Allah): At (nais Namin) na italaga siya (anak na lalaki) bilang isang Tanda sa sangkatauhan at isang Habag mula sa Amin (Allah), at ito ay isang bagay (na napagpasyahan na) sa pag-uutos (ni Allah).”
فَحَمَلَتْهُ فَانْتَبَذَتْ بِهِ مَكَانًا قَصِيًّا
At siya ay nagdalangtao sa kanya, at siya ay pumaroon na kasama niya (ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan) sa isang malayong lugar (alalaong baga, sa Bethlehem, na mga apat hanggang anim na milya mula sa Herusalem)
فَأَجَاءَهَا الْمَخَاضُ إِلَىٰ جِذْعِ النَّخْلَةِ قَالَتْ يَا لَيْتَنِي مِتُّ قَبْلَ هَٰذَا وَكُنْتُ نَسْيًا مَنْسِيًّا
At ang sakit ng panganganak ay nagsadlak sa kanya sa tabi ng puno ng palmera (datiles). Siya ay nangusap: “Sana’y namatay na lamang ako bago ito nangyari sa akin, at nakalimutan at naglaho sa (kaninumang) paningin!”
فَنَادَاهَا مِنْ تَحْتِهَا أَلَّا تَحْزَنِي قَدْ جَعَلَ رَبُّكِ تَحْتَكِ سَرِيًّا
At (ang sanggol na si Hesus, o si Gabriel) ay nangusap sa kanyang paanan na nagsasabi: “Huwag kang manimdim! Ang iyong Panginoon ay nagkaloob ng isang dalisdis ng tubig sa iyong ibaba (paanan)

Choose other languages: