Quran Apps in many lanuages:

Surah Ibrahim Ayahs #44 Translated in Filipino

رَبِّ اجْعَلْنِي مُقِيمَ الصَّلَاةِ وَمِنْ ذُرِّيَّتِي ۚ رَبَّنَا وَتَقَبَّلْ دُعَاءِ
o aking Panginoon, Inyong gawin ako na maging isa sa nag-aalay ng ganap na panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salat) at gayundin ang aking mga anak, o aking Panginoon! At Inyong tanggapin ang aking panambitan
رَبَّنَا اغْفِرْ لِي وَلِوَالِدَيَّ وَلِلْمُؤْمِنِينَ يَوْمَ يَقُومُ الْحِسَابُ
Aming Panginoon! Inyong patawarin ako at ang aking mga magulang at ang lahat ng mga sumasampalataya sa Araw na ang Pagtutuos ay isasagawa.”
وَلَا تَحْسَبَنَّ اللَّهَ غَافِلًا عَمَّا يَعْمَلُ الظَّالِمُونَ ۚ إِنَّمَا يُؤَخِّرُهُمْ لِيَوْمٍ تَشْخَصُ فِيهِ الْأَبْصَارُ
HuwagninyongisaisipnasiAllahayhindinakakapansin ng mga ginagawa ng Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp.), datapuwa’t Kanyang binibigyan sila ng palugit hanggang sa Araw na ang mga mata ay tititig sa pagkagimbal
مُهْطِعِينَ مُقْنِعِي رُءُوسِهِمْ لَا يَرْتَدُّ إِلَيْهِمْ طَرْفُهُمْ ۖ وَأَفْئِدَتُهُمْ هَوَاءٌ
Sila ay humahangos (sa kanilang) unahan na ang mga leeg ay nakahindig, ang kanilang ulo ay nakatuon sa itaas (sa alapaap), ang kanilang paningin ay hindi bumabalik tungo sa kanila at ang kanilang puso ay hungkag (sa pag-iisip, dahilan sa matinding pagkatakot)
وَأَنْذِرِ النَّاسَ يَوْمَ يَأْتِيهِمُ الْعَذَابُ فَيَقُولُ الَّذِينَ ظَلَمُوا رَبَّنَا أَخِّرْنَا إِلَىٰ أَجَلٍ قَرِيبٍ نُجِبْ دَعْوَتَكَ وَنَتَّبِعِ الرُّسُلَ ۗ أَوَلَمْ تَكُونُوا أَقْسَمْتُمْ مِنْ قَبْلُ مَا لَكُمْ مِنْ زَوَالٍ
At iyong babalaan (o Muhammad) ang sangkatauhan sa Araw na ang kaparusahan ay sasapit sa kanila; at ang mga buktot ay magsasabi: “o aming Panginoon! Inyong palugitan kami ng ilang sandali, kami ay tutugon sa Inyong panawagan at susunod sa Inyong mga Tagapagbalita!” (dito ay ipagbabadya): “Hindi baga kayo ay nagsisumpa noon na hindi ninyo iiwanan (ang mundo para sa Kabilang Buhay).”

Choose other languages: