Quran Apps in many lanuages:

Surah Ibrahim Ayahs #28 Translated in Filipino

أَلَمْ تَرَ كَيْفَ ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا كَلِمَةً طَيِّبَةً كَشَجَرَةٍ طَيِّبَةٍ أَصْلُهَا ثَابِتٌ وَفَرْعُهَا فِي السَّمَاءِ
Hindi baga ninyo napagmamalas kung paano si Allah ay nagpapakita ng paghahambing? Ang isang magandang salita tulad ng isang magandang punongkahoy, na ang mga ugat ay matatag na nakakabit, at ang kanyang mga sanga ay (umaabot) sa alapaap (alalaong baga, lubhang napakataas)
تُؤْتِي أُكُلَهَا كُلَّ حِينٍ بِإِذْنِ رَبِّهَا ۗ وَيَضْرِبُ اللَّهُ الْأَمْثَالَ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ
Na nagbibigay ng kanyang bunga sa lahat ng panahon, sa kapahintulutan ng Kanyang Panginoon. Si Allah ay nagbibigay ng paghahambing sa sangkatauhan upang sila ay makaala-ala
وَمَثَلُ كَلِمَةٍ خَبِيثَةٍ كَشَجَرَةٍ خَبِيثَةٍ اجْتُثَّتْ مِنْ فَوْقِ الْأَرْضِ مَا لَهَا مِنْ قَرَارٍ
At ang paghahambing ng isang masamang salita ay katulad ng isang masamang punongkahoy na nabunot (ang mga ugat) sa ibabaw ng lupa; na walang katatagan
يُثَبِّتُ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا بِالْقَوْلِ الثَّابِتِ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَفِي الْآخِرَةِ ۖ وَيُضِلُّ اللَّهُ الظَّالِمِينَ ۚ وَيَفْعَلُ اللَّهُ مَا يَشَاءُ
Si Allah ang magpapatatag sa mga sumasampalataya sa (pamamagitan) ng salita na nakatindig nang matatag sa mundo (alalaong baga, sila ay magpapatuloy sa pagsamba lamang kay Allah at wala ng iba), at gayundin sa Kabilang Buhay. At si Allah ay magpapahintulot na mapariwara ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp.), at si Allah ay gumagawa ng Kanyang naisin
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ بَدَّلُوا نِعْمَتَ اللَّهِ كُفْرًا وَأَحَلُّوا قَوْمَهُمْ دَارَ الْبَوَارِ
Hindi baga ninyo napagmamalas sila na ipinagpalit ang mga Pagpapala ni Allah sa kawalan ng pananampalataya (sa pamamagitan ng pagtatakwil kay Propeta Muhammad at sa kanyang Mensahe ng Islam), at nagpahamak sa kanilang mga tao upang manahan sa Tahanan ng Pagkawasak

Choose other languages: