Surah Ibrahim Ayahs #27 Translated in Filipino
وَأُدْخِلَ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا بِإِذْنِ رَبِّهِمْ ۖ تَحِيَّتُهُمْ فِيهَا سَلَامٌ
At sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita at sa kanilang mga dinalang pahayag) at nagsigawa ng kabutihan ay hahayaan na magsipasok sa mga Halamanan na sa ilalim nito ay may mga batis na nagsisidaloy, - upang manahan dito magpakailanman (alalaong baga, sa Paraiso), ng may kapahintulutan ng kanilang Panginoon. Ang kanilang pagbati rito ay Salam (Kapayapaan)
أَلَمْ تَرَ كَيْفَ ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا كَلِمَةً طَيِّبَةً كَشَجَرَةٍ طَيِّبَةٍ أَصْلُهَا ثَابِتٌ وَفَرْعُهَا فِي السَّمَاءِ
Hindi baga ninyo napagmamalas kung paano si Allah ay nagpapakita ng paghahambing? Ang isang magandang salita tulad ng isang magandang punongkahoy, na ang mga ugat ay matatag na nakakabit, at ang kanyang mga sanga ay (umaabot) sa alapaap (alalaong baga, lubhang napakataas)
تُؤْتِي أُكُلَهَا كُلَّ حِينٍ بِإِذْنِ رَبِّهَا ۗ وَيَضْرِبُ اللَّهُ الْأَمْثَالَ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ
Na nagbibigay ng kanyang bunga sa lahat ng panahon, sa kapahintulutan ng Kanyang Panginoon. Si Allah ay nagbibigay ng paghahambing sa sangkatauhan upang sila ay makaala-ala
وَمَثَلُ كَلِمَةٍ خَبِيثَةٍ كَشَجَرَةٍ خَبِيثَةٍ اجْتُثَّتْ مِنْ فَوْقِ الْأَرْضِ مَا لَهَا مِنْ قَرَارٍ
At ang paghahambing ng isang masamang salita ay katulad ng isang masamang punongkahoy na nabunot (ang mga ugat) sa ibabaw ng lupa; na walang katatagan
يُثَبِّتُ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا بِالْقَوْلِ الثَّابِتِ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَفِي الْآخِرَةِ ۖ وَيُضِلُّ اللَّهُ الظَّالِمِينَ ۚ وَيَفْعَلُ اللَّهُ مَا يَشَاءُ
Si Allah ang magpapatatag sa mga sumasampalataya sa (pamamagitan) ng salita na nakatindig nang matatag sa mundo (alalaong baga, sila ay magpapatuloy sa pagsamba lamang kay Allah at wala ng iba), at gayundin sa Kabilang Buhay. At si Allah ay magpapahintulot na mapariwara ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp.), at si Allah ay gumagawa ng Kanyang naisin
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
