Surah Hud Ayahs #113 Translated in Filipino
فَلَا تَكُ فِي مِرْيَةٍ مِمَّا يَعْبُدُ هَٰؤُلَاءِ ۚ مَا يَعْبُدُونَ إِلَّا كَمَا يَعْبُدُ آبَاؤُهُمْ مِنْ قَبْلُ ۚ وَإِنَّا لَمُوَفُّوهُمْ نَصِيبَهُمْ غَيْرَ مَنْقُوصٍ
Kaya’t huwag kang mag- alinlangan (o Muhammad) sa mga bagay na sinasamba ng mga mapagsamba sa diyus-diyosan (mga pagano). wala silang sinasamba maliban sa mga sinamba ng kanilang mga ninuno noon pang una. At katotohanan, ganap Naming babayaran sa kanila ang kanilang bahagi nang walang bawas
وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ فَاخْتُلِفَ فِيهِ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِنْ رَبِّكَ لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۚ وَإِنَّهُمْ لَفِي شَكٍّ مِنْهُ مُرِيبٍ
Katotohanang ibinigay Namin kay Moises ang Aklat, datapuwa’t ang pagka- kahidwa ay lumabas dito, at kung hindi (lamang) sa Salita na winika noon mula sa inyong Panginoon, ang kaso (pangyayari) sana ay napagpasyahan na sa pagitan nila, at katotohanang sila ay nag-aalinlangan tungkol dito (sa Qur’an)
وَإِنَّ كُلًّا لَمَّا لَيُوَفِّيَنَّهُمْ رَبُّكَ أَعْمَالَهُمْ ۚ إِنَّهُ بِمَا يَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
At katotohanan, ang inyong Panginoon, sa bawat isa sa kanila, ay magbabayad nang ganap sa kanilang mga gawa. Katotohanang Siya ang Lubos na Nakakaalam ng lahat nilang ginagawa
فَاسْتَقِمْ كَمَا أُمِرْتَ وَمَنْ تَابَ مَعَكَ وَلَا تَطْغَوْا ۚ إِنَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
Kaya’t manindigan ka (O Muhammad) sa Tuwid na Landas (ng Islam at Kaisahan ni Allah, alalaong baga, iyong hilingin kay Allah na ikaw ay maging matimtiman at buo ang loob), kung paano ikaw ay pinag-utusan (at ng iyong mga kasamahan) na bumabaling (kay Allah) sa pagsisisi, at huwag suwayin (ang kapahintulutan ni Allah). Katotohanang Siya ang Ganap na Nakakamasid ng lahat ninyong ginagawa
وَلَا تَرْكَنُوا إِلَى الَّذِينَ ظَلَمُوا فَتَمَسَّكُمُ النَّارُ وَمَا لَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ أَوْلِيَاءَ ثُمَّ لَا تُنْصَرُونَ
At huwag kang kumiling tungo sa mga tao na gumagawa ng kamalian, (kung hindi), baka ang Apoy ay dumila sa iyo, at wala kang magiging tagapangalaga maliban pa kay Allah, at ikaw ay hindi mabibigyan ng tulong
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
