Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #116 Translated in Filipino

فَاسْتَقِمْ كَمَا أُمِرْتَ وَمَنْ تَابَ مَعَكَ وَلَا تَطْغَوْا ۚ إِنَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
Kaya’t manindigan ka (O Muhammad) sa Tuwid na Landas (ng Islam at Kaisahan ni Allah, alalaong baga, iyong hilingin kay Allah na ikaw ay maging matimtiman at buo ang loob), kung paano ikaw ay pinag-utusan (at ng iyong mga kasamahan) na bumabaling (kay Allah) sa pagsisisi, at huwag suwayin (ang kapahintulutan ni Allah). Katotohanang Siya ang Ganap na Nakakamasid ng lahat ninyong ginagawa
وَلَا تَرْكَنُوا إِلَى الَّذِينَ ظَلَمُوا فَتَمَسَّكُمُ النَّارُ وَمَا لَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ أَوْلِيَاءَ ثُمَّ لَا تُنْصَرُونَ
At huwag kang kumiling tungo sa mga tao na gumagawa ng kamalian, (kung hindi), baka ang Apoy ay dumila sa iyo, at wala kang magiging tagapangalaga maliban pa kay Allah, at ikaw ay hindi mabibigyan ng tulong
وَأَقِمِ الصَّلَاةَ طَرَفَيِ النَّهَارِ وَزُلَفًا مِنَ اللَّيْلِ ۚ إِنَّ الْحَسَنَاتِ يُذْهِبْنَ السَّيِّئَاتِ ۚ ذَٰلِكَ ذِكْرَىٰ لِلذَّاكِرِينَ
At ikaw ay mag-alay ng panalangin nang ganap (Iqamat-as-Salat), sa dalawang dulo ng maghapon at sa ilang oras ng gabi (alalaong baga, ang limang takdang pagdarasal sa maghapon). Katotohanan, ang mabubuting gawa ay nakakapalis ng masasamang gawa (alalaong baga, ang mga maliliit na kasalanan). Ito ay paala-ala (isang tagubilin) sa mga may pagmumuni-muni (na tumatanggap ng payo)
وَاصْبِرْ فَإِنَّ اللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجْرَ الْمُحْسِنِينَ
At maging matimtiman; katotohanang si Allah ay hindi magpapawalang saysay sa gantimpala (biyaya) ng mga mapaggawa ng kabutihan
فَلَوْلَا كَانَ مِنَ الْقُرُونِ مِنْ قَبْلِكُمْ أُولُو بَقِيَّةٍ يَنْهَوْنَ عَنِ الْفَسَادِ فِي الْأَرْضِ إِلَّا قَلِيلًا مِمَّنْ أَنْجَيْنَا مِنْهُمْ ۗ وَاتَّبَعَ الَّذِينَ ظَلَمُوا مَا أُتْرِفُوا فِيهِ وَكَانُوا مُجْرِمِينَ
Kung mayroon lamang sa karamihan ng nakaraang sali’t saling lahi na nauna sa iyo na matutuwid na mga tao na nagbabawal sa kanila sa Al-Fasad (paggawa ng mga kabuktutan sa kalupaan, pagsamba sa mga diyus- diyosan, lahat ng uri ng krimen at kasalanan, atbp.) dito sa kalupaan, (nguni’t wala), maliban lamang sa iilan sa kanila na iniligtas Namin (sa kapinsalaan). Sila na nagsigawa ng kamalian ay tumugis sa kasayahan ng mabubuting bagay (sa makamundong) buhay na ito at sila ay naging Mujrimun (mga buhong, tampalasan, walang pananalig kay Allah, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp)

Choose other languages: