Surah Ghafir Ayahs #83 Translated in Filipino
اللَّهُ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَنْعَامَ لِتَرْكَبُوا مِنْهَا وَمِنْهَا تَأْكُلُونَ
Si Allah ang lumikha ng hayop (bakahan at kauri nito) para sa inyo upang kayo ay makasakay sa ilan sa kanila, at ang iba ay bilang inyong pagkain
وَلَكُمْ فِيهَا مَنَافِعُ وَلِتَبْلُغُوا عَلَيْهَا حَاجَةً فِي صُدُورِكُمْ وَعَلَيْهَا وَعَلَى الْفُلْكِ تُحْمَلُونَ
At kayo ay marami pang ibang kapakinabangan sa kanila, gayundin sa pamamagitan nila ay inyong maaabot ang inyong naisin na nasa inyong dibdib (magdala ng mga paninda, dalahin, atbp.) at sa pamamagitan nila, at sa mga barko kayo ay dinadala (isinasakay)
وَيُرِيكُمْ آيَاتِهِ فَأَيَّ آيَاتِ اللَّهِ تُنْكِرُونَ
At ipinamamalas Niya sa inyo (nang palagian) ang Kanyang mga Tanda at Katibayan (ng Kanyang Kaisahan sa lahat ng mga binanggit sa itaas); kung gayon, alin sa mga Tanda at Katibayan ni Allah ang inyong itinatatwa
أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوا أَكْثَرَ مِنْهُمْ وَأَشَدَّ قُوَّةً وَآثَارًا فِي الْأَرْضِ فَمَا أَغْنَىٰ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Hindi baga sila nagsisipaglakbay sa kalupaan at napagmamalas kung ano ang kinasapitan noong mga nangauna sa kanila? Sila ay higit na marami kaysa sa kanila at higit na malakas, at sa mga bakas (na kanilang naiwan) sa kalupaan; gayunman ang lahat ng kanilang nakamtan ay walang kapakinabangan sa kanila
فَلَمَّا جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَرِحُوا بِمَا عِنْدَهُمْ مِنَ الْعِلْمِ وَحَاقَ بِهِمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ
At kung ang kanilang mga Tagapagbalita ay dumatal sa kanila na may maliwanag na katibayan, sila ay masaya (at nagmamalaki) sa mga bagay na sila ay may kaalaman (sa makamundong bagay), at ang bagaynalaginangtinutuyanilanoonaynakapaligidsakanila (alalaong baga, ang kaparusahan)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
