Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #82 Translated in Filipino

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلًا مِنْ قَبْلِكَ مِنْهُمْ مَنْ قَصَصْنَا عَلَيْكَ وَمِنْهُمْ مَنْ لَمْ نَقْصُصْ عَلَيْكَ ۗ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَنْ يَأْتِيَ بِآيَةٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ فَإِذَا جَاءَ أَمْرُ اللَّهِ قُضِيَ بِالْحَقِّ وَخَسِرَ هُنَالِكَ الْمُبْطِلُونَ
At katotohanang Kami ay nagpadala ng mga Tagapagbalita nang una pa sa iyo (o Muhammad); ang iba ay Aming inilahad sa iyo ang kanilang kasaysayan at ang iba ay hindi Namin inilahad sa iyo, at hindi (Namin) binigyan ng kapamahalaan ang sinumang Tagapagbalita na magdala siya ng Tanda maliban na pahintulutan ni Allah. Datapuwa’t kung ang pag-uutos ni Allah ay naipalabas na, at ang bagay- bagay ay napagpasiyahan na sa katotohanan at katarungan, ang mga tagasunod ng kasinungalingan ay maglalaho (sa kapariwaraan)
اللَّهُ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَنْعَامَ لِتَرْكَبُوا مِنْهَا وَمِنْهَا تَأْكُلُونَ
Si Allah ang lumikha ng hayop (bakahan at kauri nito) para sa inyo upang kayo ay makasakay sa ilan sa kanila, at ang iba ay bilang inyong pagkain
وَلَكُمْ فِيهَا مَنَافِعُ وَلِتَبْلُغُوا عَلَيْهَا حَاجَةً فِي صُدُورِكُمْ وَعَلَيْهَا وَعَلَى الْفُلْكِ تُحْمَلُونَ
At kayo ay marami pang ibang kapakinabangan sa kanila, gayundin sa pamamagitan nila ay inyong maaabot ang inyong naisin na nasa inyong dibdib (magdala ng mga paninda, dalahin, atbp.) at sa pamamagitan nila, at sa mga barko kayo ay dinadala (isinasakay)
وَيُرِيكُمْ آيَاتِهِ فَأَيَّ آيَاتِ اللَّهِ تُنْكِرُونَ
At ipinamamalas Niya sa inyo (nang palagian) ang Kanyang mga Tanda at Katibayan (ng Kanyang Kaisahan sa lahat ng mga binanggit sa itaas); kung gayon, alin sa mga Tanda at Katibayan ni Allah ang inyong itinatatwa
أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوا أَكْثَرَ مِنْهُمْ وَأَشَدَّ قُوَّةً وَآثَارًا فِي الْأَرْضِ فَمَا أَغْنَىٰ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Hindi baga sila nagsisipaglakbay sa kalupaan at napagmamalas kung ano ang kinasapitan noong mga nangauna sa kanila? Sila ay higit na marami kaysa sa kanila at higit na malakas, at sa mga bakas (na kanilang naiwan) sa kalupaan; gayunman ang lahat ng kanilang nakamtan ay walang kapakinabangan sa kanila

Choose other languages: